"Tumigil kana nga! ganon ka din naman ah!"
sigaw ko ulit sakanya

*at sinimulan ko na ang aking pagkain*

"Teka ano ba ang nangyari dito sa dalawang ito ha?"
tanong ni Sakuchan kay Hiichan

"Ayun kanina pa dyan naglalandian di na nga namin pinapansin ih"
sabi naman ni Hiichan kay Unnie

*sinamaan ko lang si Hitomi ng tingin at ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain*

'nakakabwiset na nga ang araw ko eh dadagdag pa itong Kwon Eunbi na ito! aishhhhh!'

__________________________
==========================

SAKURA'S POV

'HINDI MAAARI! once na akong nasaktan ni Eunbi at hindi ako papayag na pati ngayon si Nakoya naman! pero feeling ko di naman mangyayari yun eh kasi sobrang galit talaga si Nako kay Eunbi... pero tingnan din natin.... ika nga nila The more you hate, The more you love'

*nag simula na akong kumain ngunit si jjaeyeon ay hindi parin ginagalaw ang kanyang pagkain*

'teka ang awkward naman neto!'

*tiningnan ko siya at nakita ko syang nakatitig kay Eunbi kaya't tiningnan ko si Eunbi at nakatitig naman sya saakin*

'teka anong kabaklaan to ha? muntik na akong atakihin sa puso grabe Eunbi ha!'

*hinawakan ko ang braso ni Chaeyeon at saka umimik sakanya*

"Kumain kana nga.."
malumanay kong sabi sakanya

*hindi nya sinagot ang tanong ko at lumapit sya sa aking mukha at tsaka bumulong*

"Don't you think na kailangan may gawin tayo ngayon tutal nakatitig sayo si Eunbi kanina pa?"
bulong nya

"Ano kanina pa?"
I exclaimed

*agad namang napatingin saamin sila Chaewon kaya't lumapit nalang ako kay Jjaeyeon at saka bumulong sakanya*

"Bakit dimo agad sinabi? aishh ano na ang gagawin natin ngayon ha?"
pabulong na tanong ko sakanya

"Ewan ko din no! siguro let's be natural nalang kasi baka makahalata sya ok!"
sabi nya at lumayo na sya saakin ng konti

'ok fine be natural pala...edi lalamon nalang ako no!'

*ipinagpatuloy ko naman ang paglamon ko kahit na nakatingin pa si Eunbi saakin*

"Ah Eunbi...."
tawag ni Jjaeyeon kay Eunbi

"Oh bakit?"
tanong nito

"Paano na bukas mag papractice din ba kayo nila Yena? diba walang pasok?"
tanong nito kay Eunbi at napansin kong hindi na sya nakatitig saakin

'mabuti naman! baka matunaw na ako dito no!'

"Ah siguro pahinga muna kasi alam mo na masyado tayong nagpapagod.."
sagot naman ni Eunbi

'mabuti naman at walang pasok bukas! makakapag-laro ako maghapon wooooohhh!'

"Oi tapos naba kayo kumain?"
tanong naman saamin ni Nakoya

"Ah oo tapos na ako"
sagot ko naman

"Tara uwi na tayo unnie!"
sabi naman ni Hiichan

"Tara Chae2 ihatid na natin sila..."
sabi naman ni Chaewon at tumayo na kami saaming table

"Paano naman ako?"
malungkot na sabi ni Eunbi

The Way I Love YouWhere stories live. Discover now