Bumili na ng pagkain yung boys kaya kami lang ang naiwan sa lamesa. Medyo malayo yung distansya samin ni Kate, buti naman. Baka kasi hindi ako makapagpigil at masapak ko siya kapag tumabi siya samin. Lalong kakapal yung eye shadow at blush-on niya pag nagkataon.
Tahimik lang si bessy habang daldal naman ng daldal sina Stephanie, minsan ay nakikisali si Kate pero binabara lang siya ni Jandi kaya nananahimik na lang siya, o bakit hindi niya pinapagana ang pagkabitch niya? What a plastic bitch.
Pagkadating ng boys ay kumain na kami, maingay sa mesa dahil sa mga kalokohan nila. Nakikisama din naman kami pero kapag sumawsaw na si Kate ay nananahimik din kami.
Lumipas ang ilang araw na lagi na naming nakakasama si Kate, akala ko ba every two days nagpapalit ng babae tong si Stephan? Bat hanggang ngayon si Kate pa din ang kasama niya? Ano to? Totohanan na? Ugh!
"Bessy. Mauna ka na sa gym, restroom lang ako." Ngumiti sakin si Maxine, isang hilaw na ngiti.
"No, sasamahan na kita."
"Wag na, kaya ko naman..."
Sobrang tamlay niya na ngayon, nakakapag-init talaga ng ulo tong si Stephan! Hindi kami in good terms ni Stephan dahil sa ginawa niyang pagpapaasa kay Maxine, alam kong aware siya doon dahil tinatarayan ko talaga siya.
"Look Maxine, kaibigan mo ako, you can tell me your problems, though I already know what bothers you, still, I want you to say it. Kaya tara na sa rest room. Don't stress yourself too much, ipakita mong kaya mo kahit wala siya." Kaibigan ko silang pareho, may kasalanan din silang pareho but damn, mas nasasaktan si Maxine sa pinaggagagawa ni Stephan! I really don't understand why he's doing this. Pupwede naman na manahimik na lang e, bakit kailangan niya pang humanap ng kapalit?
Umiyak si bessy sa restroom at wala akong ginawa kundi ang yakapin siya. That the least thing I can do for my bestfriend. Hug her tight and make her feel that no matter happens, I'm always here for her.
"You okay now?" Tumango siya atsaka tiningnan pang muli ang repleksyon niya sa salamin bago nag-ayang lumabas. Hindi ako sanay na ganito umasta si Maxine. Sa aming dalawa, siya ang mas malakas, mas matapang. Love is really powerful.
Tahimik kaming naglakad papunta sa gym, may laro kasi sina Anthony, and syempre manonood kami. Hinamon ang school namin e, sila lang naman ang boys dito kaya ayon. It's already 4 in the afternoon, hindi ko alam kung saang school ang makakalaban nila. Andito din sina Tyler, at Lex. Supportive friends daw kasi sila. Pero kasali din sila sa laban.
Si Stephan, Tyler, Anthony, Lex, at Luhan ang mga maglalaro. Nalaman ko din na varsity player pala ang mga mokong sa school nila. Well, mukha naman silang sporty.
Malayo pa lang ay kita ko na ang mga kaibigan namin, nasa bleachers sila ng players, hindi ko expect na papanoodin talaga ng mga students tong friendly game na magaganap. Kumaway samin si Lisa, si Jandi naman ay tumango lang at si Stephanie ay busy sa hawak niyang banner, tumango ako at kumaway naman pabalik si bessy, bumalik na ang masiglang mukha ni bessy but I know she's dying inside.
Wala pa ang mga players, mukhang nasa may locker room pa pero kung makapagcheer na ang mga babae dito ay wagas. Hindi lang ang school namin ang nandito, pati ang mga students sa kabilang school ay manonood, pamilyar yung uniporme nila pero hindi ko matandaan kung aling school nga ba yon. Nasa kabilang bleachers si Lucy kasama ang mga kaibigan niya, anong ginagawa niya don? Is it possible that.... damn! Oo nga pala! Ganyan ang uniporme namin dati! Damn it!
Mas lalong lumakas ang ingay ng tumunog yung mic, hudyat na magsasalita na ang emcee para ipakilala ang magkabilang panig. I'm not really affected by his presence dahil alam ko, alam kong si Anthony na. Alam kong siya na at hindi na si Jake.
"Good afternoon students of Miyaki Academy, St. Peter, and CRHS!" Hindi ko napansin na andito din pala ang ibang estudyante ng St. Peter, I know that this guys were really famous, they look like models. So what will I expect right? Kanya kanyang sigawan naman ang mga estudyante, again, this is just a friendly game but it really looks like a real game!
"Are you ready to see our players?" Mapanuksong sabi ng emcee na siyang pinatulan ng mga estudyante, maski ang mga kaibigan ko ay nakikigulo.
"Ofcrs! Mygad! Nandyan ang kuya ko! Friends namin ang mga players and they're really really hooooot!" Natawa kami sa sigaw ni Stephanie, supportive twin talaga.
"Okay okay, so here they are! The players from the Cristo Rey High School!" Naghiyawan ang mga estudyante, may iilan ding sumigaw mula sa school namin, hindi din naman kasi maipagkakailang puro matitipuno at may itsura ang mga nag-aaral doon.
Lumabas mula sa locker room ang walong lalaki at kasama sa mga 'yon si Jake. He's number was our monthsary, hindi niya pa din pinapalitan? Oh, sa bagay. Birthday niya rin iyon kaya bakit niya papalitan? And I'm not affected at all, so why bother? Seryoso niyang dinidribble ang bola habang naglalakad, nakakapagtaka talaga at parang napakasimple lang para sa kanila yon, samantalang pag ako ay iniiwan ako ng bola.
Natigil ang paninitig ko ng napatingin siya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Huwag siyang mag-assume, I'm not looking at him. I'm looking at the ball. Nalipat ang atensyon ko sa team namin ng bigla itong tawagin ng emcee.
"And for the opponent team of CRHS, students from St. Peter College that'll represent the Miyaki Academy!" Mas dumoble ang ingay nung lumabas din ang mga players galing sa team namin, gaya ng nauna, walo din sila. Nangunguna sa paglalakad si Anthony, and shit! He's really attractive!
"Damn that playboy..." bulong ni Bessy, napatingin ako sa kanya at nakatingin siya kay Stephan ng masama na ngayon ay nagpapacute na sa may court.
"Di na nakuntento sa isa, kahit naman bwisit ako don sa Kate na yon ay babae pa din ako, alam ko kung anong pakiramdam..." hindi ko na talaga alam kung maaawa ba ako kay bessy o matatawa. Hayy buhay.
"Go kuya!" Biglang sigaw ni Stephanie kaya napatingin sa pwesto namin sina Stephan, kumindat si Stephan at Tyler kaya halos mangisay sa kilig yung mga babaeng malapit sa amin. Samantalang tumango lang naman yung tatlong lalaki at nginitian kami nung iba pa nilang kasama.
"Kindat kindat, dukutin ko mata mo e," natatawa na talaga akoito kay Maxine, buti na lang at hindi manonood ang Kate na yon kundi lalong dodoble ang inis nito.
Dumiretso sila sa gitna, hindi ko alam kung anong ginawa nila doon, nagtitigan lang naman sila tapos ay dumiretso na sila dito sa bleachers. Nginitian ko si Anthony nung lumapit siya sakin, hindi naman siya ngumiti pabalik. Problema nito?
"Ako lang ang ipagchecheer mo ha. Wag kang magchecheer ng iba, lalo na sa kabilang team kung ayaw mong matalo ang team natin. Please, Margarette..."
Napanguso ako sa sinabi niya, is he jealous? Hindi pa nga nag-uumpisa yung game at wala pang nangyayari ay nagseselos na siya. He really love me that much huh? Hindi ko na mapigilan ang pagngiti.
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 23
Start from the beginning
