"Cannot be reached," mahinang saad ni Vice before trying to ring him again. "Hindi ko siya ma-contact,"

"Vice? Are you ready? Five minutes, on-set na ulit." sigaw ng isang staff from outside.

"Susunod na po kami," he shouted back bago muling subukang tawagan ang nobyo.

"Wala na tayong oras 'ma. Text mo muna 'yang jowa mo. Baka loabat lang, mababasa niya rin 'yan mamaya."

Vice typed his message, hoping na sana ay mabuksan ni Terrence ang phone at mabasa ang text niya. Sa ngayon ay wala talaga siyang maisip na maaaring sumundo sa anak maliban sa binata. Si Mang Jun, na pinakamatagal ng nagtatrabaho as his driver ay nakatokang sumundo ngayon sa pamangkin na si Camille. Gustuhin man niyang ito nalang ang utusang sumundo sa anak ay hindi niya magawa dahil hindi biro ang traffic kung babalik pa ito mula DLSU patungong school ng anak.

After magretouch ay bumalik na sa set si Vice, slightly reviewing his lines. Hindi ito ang unang beses na kailangang sumabak ni Vice sa drama, but he's still not used to delivering dramatic lines especially kung wala naman siyang pinanghuhugutan.

Today, he'll be having a scene with Cherrie Gil na tumatayong step mother niya. The scene is quite hard for him dahil hindi naman niya naranasang magkaroon ng madrasta, but with the help of his co-artists ay unti-unti siyang nasasanay sa bawat pagbato niya ng linya.

"Cut!" sigaw ng Direktor. "Vice, kumalma ka nga. Bakit ba hindi ka mapakali?"

"Ay sorry sorry. Game ulit Direk. Sorry." may pekeng ngiti na sabi ni Vice while shaking his hands.

"Kulang ba 'yung 30 minutes for you to prepare yourself?"

"Hindi, Direk. Sorry! Game na ulit."

"Are you, okay, Vice? You seem uncomfortable. Don't worry, I'll limit myself sa pagsampal sayo." Ms. Cherrie Gil, referring to the scene where in she has to slap Vice.

"Naku. Hindi po. Hindi ko naman na siguro mararamdaman 'yung sampal niyo sa sobrang kapal ng tigyawat ko," natawa ang kausap sa tinuran niya. "Baka nga po kamay niyo pa ang masugatan,"

"Scene 3-A, Take 2! Ready? Set? Action?!"

"Walang tatanggap sayo! Nakakahiya ka! Bakla! Salot! Malas!"

Somehow, he can relate to those words given by his co-actor. Ilang beses na nga ba niyang narinig ang mga salitang 'yon? Bakla? Salot? Malas? Parang nasanay na nga lang ang dalawa niyang tenga sa dalas niyang marinig iyon kaya kahit anong ulit ay hindi na niya maramdaman ang sakit.

"Bakla ako, pero hindi katulad mo... may dignidad ako." pagbitaw niya ng linya habang matalim na nakatingin sa madrasta. "Ano ang mas nakakahiya? 'Yung baklang may dignidad, o 'yung madrastang gagawin ang lahat makalikom lang ng pera mula sa iba't-ibang lalakeng araw-araw niyang kina-kama?"

*slaps*

"Cut!"

Sa pangalawang ulit ay naitawid na ni Vice ang mga linyang kailangang bitawan. Hawak ang namumulang pisngi, niyakap siya ni Cherrie habang paulit-ulit humihingi ng tawad dahil alam niyang nasaktan si Vice sa pagsampal niya.

"Hindi. Okay lang po. Matagal ko na kayang hinihiling na masampal niyo 'ko. Dream come true po ito." tumatawa niyang sabi habang ibinabalik ang yakap sa kausap.

"Namumula 'yung pisngi ni Vice. Paki-patungan ng foundation." utos ng Direktor. Agad namang rumesponde si Archie habang dala-dala ang mga gamit.

"Hala o! May nagalit na tigyawat. Parang gustong maghiganti," komento ni Bonita habang tinititigan ang namumulang pisngi ni Vice.

Lacking BrightnessWhere stories live. Discover now