IASWAG 35

284 3 0
                                    

It All Started With A Game 35

Angel Faith's POV

"Dahil gusto ko po malaman niyo na mahal na mahal ka niya!"

Tahimik lang ako. Wala akong masabi.

"May sakit siya ate Faith! May brain tumor siya at lumalala habang tumatagal"

Dun ako napalingon sa kanya. Gulat na gulat ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Brain tumor?" Yan lang ang natanong ko sa kanya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit siya? Bakit siya pa ang nagkasakit na walang ginawa kung hindi tumulong?

"Oo ate Faith. At bilang na ang mga araw niya dito"naiiyak na din na sabi niya

Hindi ko alam pero bigla akong napaupo ng wala sa oras dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Tumutulo ang luha ko.

Ang laki ng kasalanan ko. Posible na naging brain tumor ang sakit niya dahil sa pagkauntog niya sa bato nung hineadbang ko siya.

ANG SAMA KONG KAIBIGAN!

"Ngayon po ang unang araw ng chemo niya"sabi niya

"Saang hospital?"agad kong tanong

Gusto ko siyang puntahan para damayan siya at tulongan sa mga problema niya.

Sana maging okay lang si Riad. Kailangan ko siya at mahalaga siya sa akin.

"Sa Kobayashi Hospital ate. Isa sa mga hospital nila sa Pilipinas" sabi nito.

"Pwede mo ba akong dalhin dun?" Tanong ko

Tumango nalang siya bilang tugon. Naglakad na kami papunta ng parking ng bigla siyang huminto.

"Bakit?" Tanong ko.

"School hours na pala ngayon ate Faith. Maghintay pa tayo hanggang lunch para makalabas"payo niya

Ay oo nga pala! Hindi pa kami pwede makalabas! Grrrr! Lunch time lang ang pag asa namin nito.

"Sige! Aattend muna tayo ng morning classes natin" sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang tumango at aalis na sana kaso tinawag ko siya ulit.

Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya.

"Anong pangalan mo pala?" Tanong ko.

"Aizhel ate" sabi nito at ngumiti.

Umalis na siya. Umalis na din ako para magpunta sa classroom namin. Panigurado na second subject na kami ngayon.

Tumungo na ako sa classroom at wala na ang prof namin.

Second subject na nga. Mga ilang minuto ang nakalipas ay pumasok na rin ang prof namin para sa second subject.

Nagdiscuss lang ito at nagbigay ng assignment.

*ring bells*


Pagring talaga ng bell ay pumunta muna ako sa garden para makapang muni muni muna.

Gaano na ba kalala ang sakit ni Riad na humantong ito sa bilang nalang ang araw niya?

Gusto ko na siyang puntahan eh.

"Pwede makiupo sa tabi mo ate Faith?"

Tinignan ko ang nagsalita at si Aizhel pala.

Nagsmile lang ako sa kanya.

It All Started With A Game (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang