IASWAG 21

298 3 1
                                    

It All Started With A Game 21

Angel Faith's POV

Lahat ay nakaayos na.

Lilisanin na namin ang lugar na ito.

Ang lugar na kung saan naninirahan ang mahal ko.

Ang lugar na kung saan maraming sakit ang nararamdaman ko.

Ang lugar na kung saan dito ko siya  pinaglaban.

Ang lugar na kung saan dito ko siya sinaktan.

At ang lugar na kung saan may mahal na siyang iba.

Masakit!

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ayoko man siyang iwan pero kailangan.

Mahal na mahal ko ang isang lalaki na may mahal ng iba.

"Faith" tawag sa akin ni Rence.

Lumabas na kami ng bahay at pupunta sa kung saan nakapark ang private plane na pinadala nila mommy.

Tinignan ko muna ang bahay sa isang pagkakataon.

Dito ako naninirahan para mahanap ang taong mahal ko.

At lilisanin na namin ito.

Kahit ilang araw lang kami dito sa States ay parang ang tagal na naming naninirahan dito. Napamahal na sa akin ang lugar na ito, at sana makabalik pa ako.

KUNG MAY BABALIKAN PA AKO!

Pagkatapos kung tignan ang bahay ay naglakad na kami.

Tinignan ko si Rence naghihintay ng taxi.

Si Rence ang sumama sa akin sa paghahanap ng taong mahal ko.

Siya din ang nandiyan kapag nasasaktan ako.

Siya ay isang mabait ba tao.

Siya ay isang martyr.

Bakit pa niya ako tinutulongan kung alam naman niya na masasaktan lang siya?

Bilib ako sa kanya.

At ngayon, ako naman ang magpapasaya sa kanya.

Sasagutin ko na siya.

Marami na rin siyng nagawang kabutihan sa akin.

Marami na siyang nagawa na SAKRIPISYO.

Sasagutin ko siya dahil mahal ko siya bilang kaibigan at sana mamahalin ko na siya ng buo kung mawala na tong sakit sa puso ko.

Sana siya nalang ang minahal ko.

•••

Nandito na kami sa airport. Namiss ko ang Pilipinas!

"Faith, matulog ka nalang sa byahe okay? Hindi ka nakatulog sa plane eh. Alas 4 na ng umaga oh! Wala ka pang tulog"nag-aalalang sabi ni rence

Masyadong concern tong  si Clarence. Eh siya din naman hindi natulog eh. Kanina pa siya nagsasabi sa akin na matulog daw ako.

Tinignan ko lang siya at hindi sumagot.

I want to love him.

I want to love him.

I want to love him.

I want to love him.

Kalimutan muna si Riad.

Kalimutan muna si Riad.

Kalimutan muna si Riad.

Kalimutan muna si Riad.

It All Started With A Game (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat