IASWAG 10

508 5 0
                                    

"If you really love that special person, babalikan at babalikan mo parin siya whatever happens. The one that your heart 💓 is looking for is still that person."

It All Started With A Game 10


Angel Faith's POV

Sobrang saya ko dahil bumalik si Riad. Akala ko mawawala na siya sa akin.

Kinuwento niya lahat at nung pagkatapos niya magkwento na realize ko na mas okay nalang na hindi siya bumalik dito. Sinakripisyo niya ang kompyana ng daddy niya para sa akin. Wala pang kasiguraduhan ang lahat.

Ang sabi nga ng tito niya mahirap kalabanin ang kalaban niya.

Ako'y kinakabahan para sa kanya.

Nandito ako sa kwarto, nakahiga hindi ako makatulog sa pag iisip.

Tama ba talaga ang desisyon niya?

Naputol lahat ng pag iisip ko ng may putukan akong narinig sa labas.

Agad akong napatayo sa takot.

May nagbukas sa pinto ng kwarto ko, si Riad pala.

"Angel magtago ka!" Sabi niya at nilapitan ako.

Naghanap siya ng pagtataguan ko. Inopen niya ang closet ko.

"Diyan ka muna Angel! Wag na wag kang lalabas okay?"sabi niya

Tumango nalang ako.

Alam sana siya ngunit pinigilan ko siya.

"Wag kang aalis" sabi ko.

"Kailangan Angel, basta magtago ka diyan ha? Tandaan mo mahal na mahal kita! Lahat gagawin ko para sayo kahit ikamatay ko pa" sabi niya nang umiiyak.

Ayaw ko siyang bitawan pero malakas siya kaya nabitawan ko na siya.

Sana ligtas si Riad

•••
.

Hindi ako mapakali kaya lumabas ako sa closet. Kinuha ko ang baril sa box ko. Meron akong baril, binigay sa akin ni daddy para daw for emergency.

Nakita ko si Riad nakipag away sa mga nakamaskara na mga lalaki. Binaril ko ang kaaway niya kaya natumba ito.

Napatingin si Riad sa direksiyon ko na  gulat na gulat.

Sorry riad pero mas gusto ko pang mamatay na lumalaban kesa sa mamatay ng walang ginagawa.


"Angel sa gilid mo!"sigaw ni riad


Agad aking napatingin sa gilid ko at binaril ito pero hindi ito natamaan kaya na suntok niya ako sa mukha. Pero hindi ako nagpatalo kaya sinipa ko siya sa private part niya kaya napadaing ito sa sakit kaya kinuha ko ang pagkakataon upang barilin ito.

Patay na siya.

"Angeeelll! Sa likod mo!" Sabi ni Riad na may kaaway rin.

Hindi ako naka kilos agad kaya nasaksak ako ng kutsilyo.

Ang sakit!

May tumutulo ng mga dugo sa likod ko pero hindi ko to dinama kaya binaril ko  ang nasa likod ko.

Natamaan siya.

Binaril ko sa puso kaya na wala na siya ng buhay.

Urrrrgghhhh! Mas lalong sumakit.

Hindi ko na nakayanan and everything went black!

















It All Started With A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now