IASWAG 13

425 4 0
                                    

It All Started With A Game 13

Kalel Clark's POV

Hinihintay kong lumabas si Daveric sa kwarto ni Faith.

Gusto ko kasi siyang kausapin.

Sa isang buwan kong palaging dalaw sa kanya mas lalo ko siyang minahal.

OO TAMA ANG BASA NIYO!

NOON KO LANG KILALA SI FAITH!

Nagkukwento si daveric noon kay faith. Magschoolmate lang kami kaya alam ko kung sino ang sinasabi niyang Faith. Laki ko ring pasasalamat sa daddy ni Daveric dahil pinaaral niya ako ng libre. Kasambahay kasi si lola kina Daveric kaya magkakilala kami. Matalik kaming magkaibigan ni Daveric, minsan doon ako nakikikain sa kanila , minsan din doon din ako matutulog kung nag oovertime si lola sa kanila. Ulila na pala akong lubos noon. Sa lola ko nalang ako nakitira.

Ayun, kwento siya ng kwento kay Faith hanggang sa isang araw dumalaw si Faith kay Daveric sa mansion nila at nagkataon din na nandun ako.

Pinakilala kami ni Daveric sa isa't isa. Naglaro at magbonding kami nung tatlo. Ang pagkakilala pala sa akin ni Zoe noon ay "Clarence" kaya siguro hindi na niya ako matandaan ngayon.

Payatot kasi ako noon at maitim kaya siguro.

Hanggang sa umalis si Daveric ng walang paalam sa akin. Pumunta ako sa kanila noon at wala ng tao. Nung time din yon ay patay na ang daddy at mommy niya. Sobrang nagalit ako nun kay Daveric dahil para sa akin isa siyang walang kwentang kaibigan!

Parati ako binubully noon pero nung time na magkaibigan kami ni Daveric ay hindi na dahil tinatakot niya ang mga mambully sa akin. Pero nung nawala siya parati na naman aking binubully.

May pagkakataon nga na binabato ako ng mga papel, maliit na bato, sapatos at marami pang iba. Parang ang baba na nun ng pakiramdam ko hanggang sa grumaduate ako ng elementary.

1st year highschool ako nun at naging kaklase ko si Faith.

Naging magkaibigan kami ni Faith. Doon din lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Hanggang sa nag confess ako sa kanya.

Lumayo siya sa akin!

May mahal daw siyang iba.

Nasaktan ako nun ng todo.

Nung time na yun ay kinupkop ako ng kapatid ng papa ko si Tita Leonila.

Mayaman siya.

At dun na nagbago ang buhay ko.

Trinansfer niya ako sa school ko ngayon ang Elite University. Doon narin nagbago ang hitsura ko dahil sinabi niya sa akin na matuto daw ako magmahal sa katawan ko. Inayusan niya ako lahat. Hanggang sa naging 2nd yr highschool ako at naging hearthrob ng school.

Palagi ko pa rin iniistalk si Faith.

Nangako ako sa sarili ko nun na walang kwenta ang mga babae! Dahil lumalapit lang sila kung gwapo ang lalaki.

Nagtanong nga ako noon eh. Kung gwapo pa ako noon ay sasagutin niya ba ako?

Nagbago na lahat. Ang buhay ko ay perpekto na! Nakukuha ko ang gusto ko. Babae, pera at kung ano-ano pa.

3rd year highschool ako nun ng nakilala ko sila Jesmar, Allen at Edison. Nung time din yun ay inayos na ni tita ang adoption papers ko nun. Naging 'Kalel Clark Palma' na ako. Ang totoo kung apilyedo noon ay 'Clarence Tores' pero ng dahil na approve na ang pagiging palma ko ay ito na ang ginamit ko.

It All Started With A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now