'Siguro I'll ask Kkura nalang na ilabas ako dito!'

"Wala na may nanalo na ulit!"
sigaw naman ni Yujin at feeling ko ay lumayo sila saamin ng konti

*mas hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Sakura*

"Oi Jjaeyeon! ok kalang ba?"
tanong naman nya habang nakayakap pa din saakin

"I...I ca..can't breath.."
mahina kong sabi sa kanya

"Tumigil ka ngang bakulaw ka at wag mo akong pinaglololoko ok!"
sigaw naman nya sakin habang tinatapik ang likod ko

*hindi ako sumagot sa kanya at inilagay ko ang mukha ko sa leeg nya*

"Ang galing mo kaya kanina no... oo hindi ko alam kung ano ang dahilan at ayaw mong ipaalam sa iba ang pagsasayaw mo pero gusto ko lang sabihin sayo na sobrang galing mong sumayaw Jjaeyeon..."
malumanay nyang sabi saakin

'teka ano ba itong nararamdaman ko ha? bakit parang normal na yung paghinga ko at bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?'

*napangiti nalamang ako sa sinabi nya saka niyakap ko pa sya ng mas mahigpit*

'maraming pumupuri saakin ngunit bakit parang iba pag sya na yung may sabi?'

"Oh ano ok kanaba ha? baka balak mo nang bumitaw tingnan mo oh basang-basa na ang damit mo!"
sigaw naman nya saakin habang hinahawakan ang damit ko

*agad naman akong bumitiw sa pag-kakayakap ko at humarap sakanya*

'hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang puso ko pero ang alam ko lang ay masaya akong marinig ang mga sinabi mo at dahil sayo ay naging maayos na ang pakiramdam ko'

"Hindi pa yun ang pinaka-magaling na performance ko pinupuri mo na ako"
pagbibiro ko sakanya

"Alam ko naman....pero sobrang galing mo pa din!"
sabi nya sabay thumbs up

*sabay kaming napatawa at muli ko syang niyakap*

'hindi kaya nagkakagusto na ako sayo ha Miyawaki Sakura?'

___________________________
===========================

MINJOO'S POV

"Grabe ang ganda nung performance natin!"
sigaw naman ni Chaewon

"Pero syempre konting practice pa no!"
sabi naman ni Eunbi

*napangiti nalang ako ng pilit sa mga sinabi nila*

'sino ba naman ang masisiyahan kapag nakita mo yung crush mo na may kayakapang iba...'

"Oh Minjoo ok ka lang ba?"
tanong saakin ni Chaewon

"Oo naman no!"
sabay ngiti

"Eto talagang pinsan ko oh! don't tell me dahil nanaman to kay Chae2?"
tanong saakin ni Chaewon

"Tumahimik kana nga! baka may marinig sayo no!"
pagpigil ko sakanya

"Kelan mo ba kasi titigilan si Chaeyeon? mukhang masaya naman sya kay Sakura oh!"
sabi nya at sabay tingin kila Chaeyeon at Sakura na magkayakap padin

'hay nako naman.... kung ba umamin na ako noon na gusto ko si Chaeyeon, ako kaya yung kayakap nya ngayon?'

"Tama na nga.... ok lang ako no tsaka paghanga lang naman yun.."
pagpapalusot ko

"Sus! baka mamaya tatawag ka sakin ng umiiyak ha!"
pangaasar naman nya

"Hindi no! ok nga lang sakin! as long as masaya sya at napapasaya nya padin ako eh ok lang..."
sabi ko habang nakatitig padin sakanila

*agad na humarang si Chaewon sa aking harapan na naging dahilan upang hindi ko makita sila Chaeyeon*

"Kahit na mas madalas kanang masasaktan ngayon?"
malumanay nyang tugon

*agad naman nya akong niyakap*

"Minjoo...alam nating dalawa na maganda ka, pinsan mo ko eh syempre ako rin! tsaka andaming lalaki at babae ang nagkakandarapa sayo dyan oh... hayaan mo na si Chaeyeon na sumaya sa piling ni Sakura ok?"
pagpapaliwanag nya

"Dahil ba kaibigan sya nung girlfriend mo kaya mas kampi ka sakanya kesa saakin?"
tanong ko naman sakanya at agad akong bumitaw sa pagkakayakap nya

"Tumigil ka nga! parehas naman akong kampi saainyo para kay Chaeyeon no!"
muli nyang sigaw saakin

"Oo na alam ko naman no!"
sigaw ko sakanya

'Sana nga maging maayos na ang lahat.... ayoko ko naman na makasakit ng iba lalo na't kaibigan ng girlfriend nitong pinsan ko ang maapektohan no...'

"Tama na nga yang drama mo! tara mag lunch na tayo!"
sigaw naman nya at bumalik na kami kila Eunbi

"Oy sumama ka muna kay Hyewon ha... kasama ko kasi si Hiichan ngayon baka ma bitter ka lang.."
pangaasar naman nya

"Oo na! alam ko naman yun! sabi ko nga kay kwangbae ako sasama diba!"
sigaw ko sakanya at pumunta na ako kay kwangbae

"Oy kwangbae kumain kana ba?"
tanong ko sakanya

"Di pa nga eh! buti dumating ka nandidiri nako sa dalawang to!"
sabi naman ni Kwangbae habang tinutulak si Yena at Yuri na naglalandian

"Hoy tumigil ka nga dyan! maghanap ka nalang ng crush mo no!"
sigaw sakanya ni Yena

"Meron akong crush no kaya tumahimik ka dyang bibe ka!"
sigaw naman sakanya ni Kwangbae at agad na humarap saakin

"Tara na Minguri kain na tayo!"
at kinaladkad na nya ako papalabas ng gym

'sana nga ganon kadaling kalimutan yung feelings ko sayo Lee Chaeyeon....'
.
.
.
.
.

The Way I Love YouWhere stories live. Discover now