Chapter Fifteen - Painful Truth

Comincia dall'inizio
                                    

"E ano? Sana hindi na tayo maging awkward sa isa't isa."

"Osige."

"Ang tipid mo na namang magsalita."

"Sorry. Parang nanghihina lang kasi ako."

"Talaga? Ano? Dadalhin kita sa clinic." bakas sa mukha niya ang pag-aalala.  Ganito pa din kaya kabait sa akin si Titus pag nalaman niya na ako talaga ang dahilan ng aksidenteng iyon? Mag-aalala pa din kaya siya? Ngingitian pa din kaya niya ako? Gayong ako ang dahilan kung bakit binawian ng buhay ang babaeng itinuturing niyang buhay niya? 

"Wag na." sagot ko sa kanya. At bahagyang ngumiti sa kanya. Tumalikod na ako at nagsimula ng naglakad papalayo sa kanya. Kagano kadaming buhay nga ba ang nalulumbay ngayon dahil sa akin?

Buhay? Napakahalaga ng buhay para mawala lang sa isang iglap o nang hindi mo inaasahan. Hindi mo man lang napagplanuhan ang mangyayari. Hindi mo man lang naisip kung paano kung hindi na dadating ang bukas. Hindi mo man lang nasulit ang buhay mo. Ganitong-ganito siguro ang naramdaman nila bago nila ihinga ang huling hininga nila.

Napahawak ako sa puso ko na parang tinutusok-tusok sa bawat ala-alang masasariwa. Naninikip lalo yung dibdib ko.

Hanggang sa puro itim na lang ang nakikita ko.

...

"Okay ka na?" 

Nakita ko na naman ang mukhang ito. Ang gwapong mukhang ito. Yung mata, ilong, bunganga, pisngi at buhok na pag pinagsamasama e sobrang gwapo ng kombinasyon. Nakaupo siya sa tabi ko. Nasaan nga ba ako? Pamilyar tong lugar na to. Ang clinic. Siguro siya na din ang nagdala sakin dito. Si Titus.

"Oo." naisagot ko lang. Medyo masama pa din kasi ang pakiramdam ko.

"Um. Buti naman..." at ngumiti siya. Hindi ko alam kung anong mga sangkap ng ngiti niya. Bakit parang mas nakakasigla pa sa mga gamot. "...Umalis na yung doktor kaya ibinilin niya na sa akin lahat." tumango lang ako sa sinabi niya.

"May sakit ka ba sa puso? Pinapatanong ni Doc."

"Wala." sagot ko. Wala naman talaga. Siguro sobrang nasasaktan lang tong puso ko sa mga nangyayari kaya sumisikip tong dibdib ko.

"Sige. Good. Pero kailangan mong magpa-general check up sa hospital. Baka due to stress daw yan. At para malaman na talaga kung ano man." tumango lang ako.

Papa-ospital na naman? Parang ayoko.

"...Huwag ka na daw bumalik sa klase mo. Umuwi ka na daw. Ihahatid na kita." paliwanag lahat ni Titus. Pwede pala tong maging doktor e.

"Hindi wag na Titus. Kaya ko na ang sarili ko."

Umiling siya tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Kaya? Natumba ka nga kanina eh. Ihahatid kita. Huwag ka ng maarte." tapos ngumiti siya sa akin. Tama na Titus,hindi ko deserve lahat ng pag-aalaga at kabaitan mo. :'(

Ipinatayo niya na ako. Inalalayan hanggang sa makarating kami sa may gate. "Dito ka lang muna ha. Antayin mo ko dito. Kunin ko lang yung motor ko sa may Parking Lot. Ok?" tumango lang ako tapos umalis na siya.

Love is a Fallacy.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora