Miracle: Twelve

474 8 0
                                    

Memories

"One of the greatest treasures in life are memories, especially with the ones you love"

Luna

"Lol oo nga! At naalala mo ba yung time na nag-alaga tayo nang mga bata at pagkatapos non, sa tuwing nagbibisita tayo sa bahay ampunan, mommy at daddy na yung tawag nila satin" masayang sambit ko habang dahan dahang nilulunok ang mga pagkain.

Nagkukwentuhan kami ngayon ni Chaos, at alam niyo ba? Yung topic namin ngayon ay tungkol sa mga times na kami pa. Yung tipong ang saya saya pa namin.

Naalala ko nga nung una ko siyang makilala, nasa may garden ako nun nang school habang kinukuha ang mantsa nang damit ko dahil natapunan ako nang juice nong time na yun, si Thalia pinakuha ko nang PE uniform ko sa may locker kaya mag isa lang ako sa may garden.

Pero yung ikinagulat ko ay may bigla akong narinig na boses galing sa kabilang side nang puno na tinatayuan ko. Galit na galit yung boses niya at titignan ko na sana kung sino yung tao.

At sa paglapit ko ay bigla niya rin akong hinarang. Doon ko na nasilayan ang napaka-amo niyang mukha, at nakita ko sa kurba nang kilay niya na parang bigla din siyang nagulat nang makita niya ako.

"Sorry" naalala ko pang yun yung sinabi niya. And that sorry was the reason that I became a part of his journey.

"But then I was a total jerk to leave you alone — I mean, kung hindi sana tayo nagkahiwalay non, 5 years na sana tayo ngayon" bigla akong napaisip sa sinabi niya. Inalala ko nang mabuti kung anong date ngayon.

December 30

Tama! Now I remembered! Ito yung araw kung kailan ko sinagot si Chaos. That was one of the happiest moments that happened in my life, and sa Bagong Taon sa bahay rin siya nagcelebrate non. I miss those days.

"Pero pwede din naman tayong mag umpisa ulit diba?" nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang sinabi niya yun at tinitigan niya ako nang seryoso.

Bigla akong nailang at kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Chaos, seryoso nga, ano ba talaga yung nangyari sayo noong umalis ka? Nagkabalikan ba talaga kayo nang ex mo?" seryosong tanong ko sakanya.

Napaupo muna siya nang tuwid at napatingin sa malayo sabay hinga ng malalim.

"Well, dinala ako nang mga magulang ko sa States noon, doon nakita ko si Vanessa and oo, nagkabalikan kami, masaya din naman kami, until she confessed to me" napahinto muna siya at napatingin sakin. "Sabi niya, 'You still love her Chaos'" dagdag niya na kumuha nang atensyon ko.

"And then?" tanong ko.

"There she said na halatang halata na ikaw parin pala talaga yung hinahanap nang puso ko, kasi sinabi niya sakin na, ikaw lang daw yung palaging bukambibig ko sa tuwing namamasyal kami, I always tell her about our treasured memories and I always say I missed it, and she was right, I still love you" mahabang paliwanag niya at napatango tango ako.

So that's why.

"But how about Vanessa?" tanong ko. I feel bad about her, it feels like I just stole something important and precious from her.

"She's fine with it, and sabi niya din sakin na she's happy for me because finally I've found the one" nakangiting sagot niya at saka naubos na din ang pagkain naming dalawa.

"Saan mo na gustong pumunta?" tanong niya sakin. "Ikaw nalang bahala, ikaw naman nag aya eh" sagot ko at napatayo na, napatayo rin siya at lumabas na kami nang restaurant.

Binuksan niya muna ang pintuan nang sasakyan saka pinapasok ako at pinaharurot na rin niya ito agad.

Bigla nalang akong nakaramdam nang antok, dahil siguro sa dami nang kinain ko kaya napahikab ako.

A Miracle in December (Completed)Where stories live. Discover now