Miracle: Eleven

511 9 0
                                    

Advice

"Past or Present?"

Luna

"Omaygad seryoso ka jan?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Thalia nang isalaysay ko sakanya yung nangyari kagabi.

Alam niyo ba? Pagkatapos sabihin yun ni Night ay bigla nalang naestatwa si Chaos sa kinatatayuan niya at hinila naman ako ni Night tsaka hinatid na niya ako sa bahay. He even said good night to me, damn kinikilig ako.

"Ang sweettttt!" kantyaw niya pa sakin. Nasa kwarto ko ngayon kaming dalawa at siya prenteng nakahiga sa kama ko, habang ako naman nagpaikot ikot na sa loob nang kwarto dahil sa hindi malamang dahilan.

Minsan napapatingin na rin ako sa may kaharap na bahay kasi di talaga ako makamove-on sa mga sinabi ni Night sakin kagabi.

"But he's right you know, you deserve someone who stay—"

"No!" putol ko agad sakanya. "I'm trying to weigh the situation here Tal" dagdag ko pa at saka napahinto at napatingin sakanya. Napairap naman siya sakin.

"Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" tanong ko sakanya.

"Duh. Obviously, it's Night" sagot niya agad sakin at napaharap sa kinatatayuan ko sabay hawak nang balikat ko. "Think about what he had done, think about what you felt when you first met him, definitely, he's the one" paliwanag niya sakin.

"Pero pano naman si Chaos?" tanong ko kay Thalia na may awa sa mga mata. I can't stand leaving him behind because after all, he came back for me. For Pete's sake, he came back just for me! 

"Chaos? Forget about him Ceil, if he truly loves you, sana hindi ka niya iniwan in the first place, sana pinagdesisyunan niya nang mabuti bago ka niya iwan" sagot niya sakin kaya napatango tango nalang ako at napaupo na rin sa higaan.

"I don't know Tal, hindi ko na alam kung anong gagawin ko" nag-aalalang sabi ko. "Tatanungin ko na ba sina Kuya?" dagdag na tanong ko pa.

"Nandito ba sila?" nakasimangot na tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako tsaka mahinang napailing iling.

Wala nga sila dito. Si Ate, nasa bakery kasi marami daw ang mga deliveries niya ngayon at napakabusy na niya dahil isang araw nalang bagong taon na. Shocks, ang lapit na pala talaga.

At sana naman bagong taon, bagong lovelife na den hays. Char lang, siyempre move on move on din. Atsaka gusto ko sana na sa pagpatak nang alas dose sa araw na yun makasama ko na ang lalaking pipiliin ko sa dalawa

Sandali, pipili ba talaga ako sakanila? Kasi sa totoo lang, para sakin pareho naman silang dalawa eh. Gwapo sila, check, may magandang katawan, check, mataas, check, kaso medyo nagvary sila nang konti sa mga personality nila.

Si Chaos kasi, siya yung tipong mabait pero madaling magalit. Yung para bang, maliit na bagay lang, nagagalit na agad siya kapag may mali, pero mabait talaga siya, sadyang ganun lang talaga ang ugali niya.

Si Night naman, I can sense na sobrang bait niya. Remember the first time we met? Like talked to each other? Medyo na disappoint ako sakanya dahil pinagtabuyan niya ako, pero nagsorry din naman siya sakin pagkatapos nun, and I liked it about him. Nilunok niya yung pride niya just to say sorry for me.

Yun talaga yung nagustuhan ko sakanya, and yung sa may carnival kami, I found it cute kasi parang pinapunta niya lang kami nang horror room para kunin ako kay Chaos. Kinilig kaya ako non haha.

Pero kahit ganunpaman, nahihirapan parin akong pumili kahit alam kong may mas malaking posibilidad na si Night ang pipiliin ko. Iniisip ko rin kasi minsan na, paano nalang yung isa? Kung sasaya kaming dalawa nang lalaking pipiliin ko, paano naman ang isang hahayaan ko nalang? Masasaktan siya.

Pakiramdam ko nga dito ko natututunan na sa pagpili nang isa sa dalawang magkaibang bagay, dapat handa kang magsakripisyo, dapat handa kang makita ang isa na umuwing luhaan, at sa dalawang bagay na yun, dapat rin nilang paghandaan na masaktan dahil isa lang sakanila ang dapat piliin.

"Oh? Ano na plano mo?" tanong sakin ni Thalia na nagpabalik sakin sa realidad. Napakurap muna ako bago siya tinignan at magsalita.

"Gusto ko na matapos toh" walang pag-aalinlangang sagot ko at napaupo sa higaan.

"Edi tapusin mo na, pumili ka sa dalawa" sagot din ni Tal at napatabi siya sakin.

"Pwede bang huwag nalang pumili?" tanong ko.

"Edi gaga ka, ano yun? Sabay sabay mo silang babastedin?" sabay hampas niya sa braso ko kaya napairap nalang ako.

"Eh pano naman kung both?" tanong ko ulit.

"Seryoso ka ba jan sa mga pinagsasabi mo Luna Ceil Santos? Ano yun? Si Chaos sa umaga, si Night sa gabi?" sunod sunod na tanong niya at dahan dahan din akong napatango.

"Alam mo? Wala kang kwentang kausap talaga minsan" komento niya saka nauna nang lumabas nang kwarto at saktong pagkabukas niya ay nasa harapan niya si Kuya.

"Ay sorry po" sabay atras niya at sinarhan ang pintuan saka agad na tumabi sakin at hinawakan ang braso ko at hinampas hampas toh. Sabi ko na nga ba eh, iba talaga pag kiligin tong babaeng toh, nanghahampas eh.

"Ayieeee! Nakabangga ko siya syet" malanding sabi niya kaya napairap nalang ako atsaka napatayo na, magsasalita na sana ako nang may narinig akong magdoorbell. Hala baka si Ate.

"Ako nalang kukuha" rinig kong sabi ni Kuya at narinig ko ang mga hakbang niyang papunta na sa sala.

Sumunod na rin ako at iniwan nalang na kiligin ang baliw kong kaibigan sa kwarto. "Marami ang kailangan mong ipaliwanag mamaya sakin Bunso" nagkasalubong kami ni Kuya at agad siyang nagsalita nang seryoso sakin at tinignan ako sa mata, tsaka na siya dumiretso sa kwarto niya.

Ay hala, sino ba ang bisita sa labas?

"Bakit ka nandito?" bungad na tanong ko kaagad kay Chaos nang makita k osiya sa labas nang gate na may dala dalang bulaklak ulit.

"Gusto ko sanang ayain ka" matipid na sagot niya habang nakangiti tsaka nilahad na niya sakin ang bulaklak na tinanggap ko naman agad.

"Pasok ka muna" sabi ko at pinapasok na siya sa loob nang bahay at pinaupo muna sa may sala. "Let's have lunch together" sabi niya agad nang makaupo na siya.

Napatango nalang ako at nagpaalam sakanya. "Bibihis lang ako sandali" sabi ko at pumasok na nang kwarto ko kung saan nakahiga na ang baliw kong kaibigan.

"Let me guess, si Chaos yun o si Night?" tanong niya sakin napairap nalang ako at pumasok sa cr atsaka nagbihis na nang damit.

"Si Chaos" sagot ko nang makalabas na ako nang cr. "Dito ka muna ok? Wag kang gagawa nang masama sa Kuya ko kundi masasampal talaga kita pagbalik ko" bilin ko kay Thalia kaya napairap nalang siya saka tumango.

"You seriously have to tell me the whole story Ceil" pagkalabas ko ay nakasalubong ko din si Kuya. "Ok ok" sagot ko at diretso nang bumaba papuntang sala.

"Let's go?" aya niya sakin kaya napatango nalang ako at pumasok na nang kotse niya.

Natatakot na ako at nahihirapan na din pumili. Pero mas natatakot ako na baka ito na rin ang huling araw na makakasama ko si Chaos dahil mukhang alam ko na kung sino ang pipiliin ko sa dalawa.

***

A Miracle in December (Completed)Where stories live. Discover now