Miracle: Two

864 18 0
                                    

The Unexpected Encounter

"One cannot always forget those very strange happenings in their life, and once that thing gets inside your head, it can never go out anymore, you'll just think about it until you held your last breath. So, in order to know, be brave, stand up and investigate🔍"

-Anonymous

Luna

"Oh Luna, pwede bang kalimutan mo muna kahit sandali yung ex mo? Kanina ka pa nakatingin sa malayo beh" sabi sakin nang ate ko kaya bigla akong napatingin sakanya. Nasa sala kami ngayon at ready na para buksan ang mga regalo.

Pero heto ako, malalim ang iniisip at tinititigan ang kaharap na bahay. Hmm, parang wala talagang tao sa bahay na yan eh. Nakasarado ang mga bintana at parang hindi mo talaga malalaman na may tumitira diyan sa loob ng bahay. Ang weird.

"Sabi ngang kalimutan mo muna yung ex mo eh" nakuha ulit ni ate ang atensyon ko at binigyan niya ako nang isang box na nakabalot sa kulay pink na wrapper, for sure kay Mama toh nanggaling.

Nga pala, meron akong dalawang kapatid, isang Ate at isang Kuya. Yung mga magulang namin, di namin kasama ngayon, kaming tatlo lang sa bahay. Nasa states kasi sila at nagtatrabaho, pero tumutulong din naman sina Kuya dahil may trabaho na rin silang dalawa, minsan nga gusto na namin silang pauwiin dito pero ayaw pa nila eh, dahil baka daw kulangin kami sa mga gastusin and stuffs, lalo na at nag-aaral palang ako ngayon kaya kailangan pa rin nilang kumayod. Huhu, am so proud of my parents na talaga.

Yung Ate ko, si Ate Light, may-ari na siya nang isang bakery at patuloy na lumalago din ang business niya, mga limang branches na rin ata yun dito sa Manila. Yung Kuya ko naman, Kuya Lynx ay isa nang successful engineer at ako, nasa fourth year college na ako ngayon taking up Law.

It's Christmas break kaya walang pasok ako ngayon hanggang New Year.

"Hindi ko alam pero palagi talagang pinagpipilitan sakin ni Mommy ang kulay na pink" sabi ko tas biglang napatingin sina Ate at Kuya sakin. "Lahat naman tayo dito Luna, hindi lang ikaw" sabay pakita ni Kuya nang rectangular box na nakabalot din sa pink.

"Buksan niyo na, para makakain na tayo" sabi samin ni Ate na agad din naman namin sinunod ni Kuya, pagbukas ko nang regalo ko galing kay Mama, isang music box ang nasa loob, Mom knows me too well, alam na alam niya talaga kung ano yung gusto ko.

Binuksan ko na din ang regalo na binigay sakin ni Dad, isang sweater na turtle neck at kulay itim. Yes, alam na alam talaga ni Dad yung paborito kong kulay.

Pagkatapos nang gift opening namin, ay agad kaming nagpaunahan na dumiretso sa kusina, masarap kaya yung luto ni Ate.

"Wow!" sambit ni Kuya nang makita niya ang mga nakahain sa lamesa. Isang malaking cake na nakabalot sa fondant at may mga maliliit na snowman na nakadisplay, may mga cupcakes din na christmas tree yung icing na nasa taas, may leche flan, fruit salad - sandali parang desserts naman dito yung nakahain.

"Sandali, san yung mga ulam?" tanong ko kay Ate. Napatingin rin si Kuya sakanya. "Oo nga, ba't puro desserts?" tanong niya pa.

"Aba, dessert yung forte ko kaya wala kayong pake, kung ayaw niyo nitong mga niluto ko edi wag nalang kayong kumain, baha-"

"Ikaw naman Ate, biro lang eh, sige kakain na kami" sabi ni Kuya sakanya at iginaya pa siya paupo sa hapagkainan. Nang makaupo na kaming lahat ay nagdasal muna kami, at pagkatapos non, siyempre naglamon na kami nang pagkain.

Habang kumakain kami ay may isang tanong na biglang pumasok sa isipan ko. "Ate, Kuya may tumitira ba diyan sa kaharap na bahay?" tanong ko sakanila at sabay silang napatingin sakin na nakakunot ang mga noo nila.

A Miracle in December (Completed)Where stories live. Discover now