[5] Pangit

7.7K 270 26
                                    

"SAAN tayo pupunta?" Tanong ko kay Marvin.


"Magagalit si Gino kapag nalaman nyang kay Mokong natapon yung ketchup. Eh di ba nga para sayo yun. Baka magkainitan sa room kaya habang wala pa sya tara na muna." Hinila nya lang ako hanggang sa makarating kami sa Principal's office.


"Mr. Galvez? May problema ba?" Tanong ni Principal.


"Wala po." Sagot nya. Pinaupo nya ko sa isang couch.


"Dyan ka muna ha? Mga 30 minutes." Tumango na lang ako sa kanya at umalis na sya.


Nilibot ko ang paningin ko sa office ng principal. May aquarium, may mga frames. Tumayo ako at naglibot, not minding if he's comfortable or not. May nakita akong tatlong naka-frame na seal or logo na something. Dalawang seal, magkaibang design pero iisa lang ang frame. Yung isa naman nakahiwalay yung frame, may nakasulat na 'CHOSEN ONE'. These seal or logos are awkwardly familiar... Oh yeah, I remember --


"Wildfire? Anong ginagawa mo dito? May ginawa ka na naman?" Kuya Iñigo, ever so epal.


"Wala. Dinala lang ako dito ni Marvin kasi baka daw may magbugbugan sa room."


"Still hard on you?"


"Muka ba kong may pake?" Inirapan ko lang sya at lumabas na. Kakain na lang ako.




PUMASOK na ko sa room, kakatapos lang ng lunch break. I spent the whole morning sleeping at the lagoon. Buti nakita ako ni Renzon at ginising ako. Maingay pa rin sila as usual. Pero nagkaron ng tension yung atmosphere pagpasok ko dahil kasunod kong pumasok si Gino.


"Listen. Kung ayaw nyo sakin, wala akong pake. Pwede naman sigurong pare-pareho tayong nandito pero wala na lang pansinan. Di ko naman ginustong dito mag-aral. Ang pointless lang kasi na may prank-prank pa kayong nalalaman, kayo-kayo lang din naman ang nahihirapan. Tangina rhyming yon." Sabi ko na di ko inaasahang papakinggan nila. Sobrang tahimik na sa room ngayon.


"Damn sweetness, your lips are movin' but your ass' doin' all the talkin'." PUTANGINA SINO TONG HINAYUPAK NA TO.


Nagtawanan lahat.


"Damn, I didn't know someone who's got a face like that could come up with such a witty comment." Counter ko. Bat di ko pinag-isipan yon ang lame tuloy.


"OOOHHHH BURN." Ha? Anong burn? Ang pangit-pangit.


"Tss, whatever" Inirapan nya ko at umupo na sya. Nakipagsugal na sya sa mga friends nya.


Nagsimula na ulit silang gawin yung mga nakasanayan nila. Naupo na ko sa upuan ko. I even found Gino grinning like the Cheshire Cat. Nilabas ko na lang phone at earphones ko para madistract mula sa mga putapeteng to. Makikinig muna ko kay Brendon Urie. Dumukdok ako. I don't care about my surroundings anymore basta narinig ko na ang tugtog.


May naramdaman akong tumama sa ulo ko. Di ko na tiningnan kasi alam ko na kung ano yon – crumpled paper. Nagsasayang sila ng papel, may God bless them. May isa pa ulit. At isa pa. At isa pa ulit. Tangina kapag binaha bahay nila 'wag silang magrereklamo putangina. I can hear their laughter even though I'm blasting Panic! At the Disco songs through my earphones. Ano bang problema ng mga to.


Tinanggal ko na yung earphones ko at pagsasabihan ko na sana yung mga kaklase kong papansin nang may sumingit.


"Itatanong mo kung anong problema namin." Si Jazael. Siguradong-sigurado sya. Yabang neto ah.


"Hindi." Mapakla kong sagot.


"Eh ano sasabihin mo?" Tanong pa nya.


"Putangina nyo." Inirapan ko sila.


"Tigilan nyo na kasi si Wildfire hahahaha." Out of the blue nagsalita si Marvin


"Bakit ba Marvin? Kras mo ba yang pangit na yan?" Nagpantig ang mga tenga ko sa sinabi ni Gino. SINONG PANGIT? AKO? TANGINA NETO AH.


"Hoy coming from you ah?!"


"Oo talagang coming from me, may problema ka ba dun?"


Salubong na salubong kilay ko dahil sa impaktong to. Nakakagago! Nakatingin lang kami sa isa't isa samantalang yung iba naming kaklase nagi-iba na itsura. I think they see a fight coming.


"Pangit ako, Gino?!"


"OO! NAPAKAPANGIT MO!" Di na ko nagpaligoy-ligoy pa. Binayagan ko sya ng malakas. Wala na kong pake kung mabaog sya. Pangit daw ako eh. Napahiga sya sa sahig sa sobrang sakit. Nagsigawan naman mga kaklase namin. Kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas. Tinawagan ko si Kuya Driver. Uuwi na ko.




"NAPA-AGA yata ang uwi mo, Wildfire?" Sita ni Harris sakin.


"Don't get me started." Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang tub ng ice cream mula sa ref tsaka umakyat sa kwarto ko.


"Anong nangyari dun?" Rinig kong tanong ni Harris kay Kuya Driver.


Humarap ako sa salamin. Nakaka-down matawag na "pangit." Being called "beautiful" by someone special and close to you is everything but never nangyari sakin yon. Jessie and Francis never told me I'm beautiful. Ang sakit naman friend. Pangit ba talaga ako?


Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko.


"Wildfire?" Si Harris.


"Harris?"


"Anong problema?" Hinahanap pa rin nya ko. Sorry na kung malaki kwarto. Naglakad ako patungo sa kama ko at nahiga.


"Pangit ba ko?"


"Yun lang pala kala ko kung ano na." Napa-buntong hininga pa sya. Wow di sinagot tanong ko. Bayagan ko rin kaya to? Nyeta.


"Hindi ka pangit. Maganda ka, Wildfire. Tutubuan ng pigsa sa braso ang nagsabing pangit ka."

ONLY GIRL IN THE CAMPUSМесто, где живут истории. Откройте их для себя