[39] Vandals

2.6K 98 3
                                    

"SAN ba dito bahay mo puta." Galit na sigaw ni Jek over the phone. Sya daw kasi ang susundo sakin ngayon. I sent him my address kanina pa pero naliligaw ata sya.


"Ang tanga-tanga!" Malakas na sigaw ko rin. Kanina pa ako nag-aabang sa gate, nangangawit na ako.


We have been talking from time to time since he told me about Robin's involvement in our break up. Siguro slowly napapatawad ko sya. Hindi ko lang alam kung pano ko sasabihin to kay Harris. I'm sure he'll get mad. Buti na lang wala pa sya dito.


Hindi ko namalayan na natulala ako kaya naman nagulat ako nang may bumusina nang malakas. "Tinitingnan mo dyan?! Sakay na, late na tayo!" Sumakay na ako sa shotgun seat. His smell is so nostalgic. Nagdrive na sya papunta sa school. "Parang ang boring ng araw na to. Wanna do something fun?" He asked, not taking his eyes from the road.


"What do you have in mind?" Tanong ko. Ngumiti ito nang nakakaloko sabay turo sa backseat. Lumingon ako at HOLY SHIT ANG DAMING SPRAY PAINT.


Biglang nagflashback sakin lahat ng kalokohan namin nung kami pa. We're not from the same school but we would often cut class and spend time at a park halfway. Ano lang sya, parang auditorium na walang walls. Merong stage at restrooms. Naka-tiles ang sahig. White House ang tawag namin dun. Walang nagpupunta don. We would vandalize the shit out of that place.


"Okay, pero saan?" Natatawang tanong ko.


He shrugged. "Maplewood." Oo nga pala, chinecheck nga pala ng magulang nya kung pumapasok talaga sya.


Pumasok sa isip ko yung kabilang side ng building. Yung kinidnap ako ng mga sophomore para ilagay sa Kissing Booth kajejehan nila. "I know a place," I said with a smile.


Pagkapark nya, nilagay na namin ang mga spray paint sa bag nya and we proceeded sa kabilang side ng building. "Selfie!" He said while I was taking the cans out of his bag. I gave a big smile as he captured the moment.


He started spraying on the wall while I watched. He wrote offensive shit like "Class Water amoy anghit" which made me laugh like crazy. Parang gago eh, pero totoo. Maya-maya, napansin kong sinusulat ni Jek ang mga pangalan namin.


"Hoy takpan mo yan ha," I told him habang nagsusulat ng feminist remarks like "Who run the world? Girls." Tumango naman sya.


We continued spraying and laughing for a good 30 minutes until I had the urge to check my phone. Shit ang daming messages. I sat down.


MARVIN GALVEZ: Di ka papasok?
GINO MIGUEL: Nasaan ka bang puta ka
GERALD FONTANILLA: hoy
ALFREY SANTIAGO: wILDFIRE MISS KA NA DAW NI BOSS HUHUHUHU


Bakit, ano bang meron? Nagbasa ako sa groupchat namin. Putangina pag-uusapan pala namin dapat ngayong umaga sa swimming area yung mga note na nakukuha ko. Hindi ko alam! Hindi ako nagbukas ng gc kagabi. Hala baka galit na sila.


mabanqiz_na_ap0y: Henlo ngayon ko lang nabasa huhuhu wait lang papunta na.


ONLY GIRL IN THE CAMPUSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt