"Nagustuhan mo ba mahal ko?" tanong sakin ni P'Rain sabay abot ng tatlong roses.

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi."  ngumiti ako sa kanya. "Anong meron? Bakit may paganito ka?"

Agad nagsalubong ang kilay nya dahil sa tanong ko.

"Nakalimutan mo?"

Medyo natakot ako sa coldness ng boses nya ngayon.

"A-ang alin?" I stammered.

"See? Nakalimutan mo nga.."

"Sorry, ano ba yun P'Rain?"

"Amf. Nakalimutan mo na nga tapos P'Rain pa ang tawag mo sakin ngayon. Nakakatampo naman talaga, oo.."

"Ay sorry.. mahal ko." halos kainin ko yung salitang 'mahal' dahil sa hiya. "Pinagalitan kasi ako ni Pa kaninang umaga kaya wala ako sa sarili ko buong araw.."

Mabilis nawala yung 'tampo' expression ni P'Rain nung binanggit ko si Pa.

Alam kasi nya na minamaltrato ako ng tatay ko.

"Sinaktan ka ba nya ulit mahal ko?" pag-aalala nya.

"Medyo. Don't worry, sanay na ako." I tried to smile para 'di na sya masyadong mag-worry.

"Hays.. Sorry mahal ko kung wala akong magawa sa bagay na yan."

"Ui, wag kang mag-sorry mahal. Hindi mo naman kasalanan kung bakit 'di ako mahal ng tatay ko. Uhm, ano pala yung nakalimutan ko? Pwede mo na bang sabihin?"

Narinig kong nag-sigh sya bago nagsalita ulit.

"Monthsary, happy 1st monthsary mahal ko." ngumiti na sya sakin.

"Awww! Sorry! Yan pala yung kanina ko pa iniisip na 'di ko maalala. Sorry-sorry."

Nag-wai ako sa kanya for apology.

"Okay lang. Halika, kain na tayo." hinila na nya ako papunta sa table sa gitna.

"Ikaw ba ang gumawa lahat nito?" tanong ko sa kanya nung makaupo kami.

"Oo, ako ang nag-inflate sa mga lobo at nagluto nitong mga pagkain. Nagpatulong lang ako sa mga school maintenance para i-akyat 'tong table dito."

Aww.

"Grabe pala ang effort mo, tapos ako nakalimutan ko lang. Sorry talaga.." hiyang-hiya ako sa sarili ko ngayon.

Pakiramdam ko ay 'di ko sya deserve.

"Shhh.. Wag ka nang mag-sorry okay?"

Ngumiti sya sakin sabay lagay ng food sa plato ko.

"Ubusin mo na lang 'tong luto ko para makabawi ka sakin.." dagdag pa nya.

"Andami naman, paano ko 'to uubusin?" I protested.

Kahit malakas akong kumain, 'di kakasya sa stomach ko 'tong mga niluto nya.

"Tutulungan kita syempre, mahal kita eh.."

Amf! Bigla nanaman nag-init ang pisngi ko dahil sa banat nya.

I swear, todo yuko ako ngayon dahil sa hiya't kilig.

"Oh bakit ka yumuko?" natatawang tanong nya.

"Wala.." tinikman ko na yung food para 'di na nya ako usisain.

"Sarap! Ang galing mo talaga magluto mahal."  dagdag ko pa.

"Naman. Pwede na ba kitang asawahin este mag-asawa?"

"Pwede na. Swerte siguro ng babaeng mapapangasawa mo.."

Biglang dinabog ni P'Rain yung hawak nyang utensil dahil sa sinabi ko.

ThirstyWhere stories live. Discover now