[Edited 2024] Chapter VI - The Bracelet

Start from the beginning
                                    

Hanggang beywang lang ang taas ng parapet wall. Sa baba noon, kahit sino ay maaaring mahulog mula doon.

"Kung kusa siyang tumalon, bakit mas pinili niyang humarap sa magulo at makalat na rooftop when he can face the breathtaking view ng buong SDHS? Hindi ba't mas gugustuhin ng isang taong mag-susuicide ang makakita ng isang magandang bagay sa huling oras niya? 'Yung tipong babaunin niya sa kabilang buhay. Just like those common suicide cases kung saan kalimitan hawak-hawak ng taong nagpakamatay ang pictures ng mga taong mahal nila, 'cause they found them beautiful sa mundong susukuan na nila."

"Wala talagang pinagbago. Ang kalat-kalat pa rin. Hanggang sa maka-graduate tayo mukhang wala pa rin silang balak na linisin 'tong rooftop."

Nabaling kay Kit ang atensyon niya dahil sa sinabi nito. "Ganito ba talaga dito?"

"Oo. Ngayon ka lang nakaakyat dito, 'no? Tambayan kasi namin 'to dati ng mga barkada ko. Bukod sa walang CCTV, hindi 'to inaakyat ng mga staff."

She started to fit all the puzzle's pieces inside her head. "Bully attitude, walang CCTV, walang tao, magulong mga upuan na normal na lang sa paningin ng lahat, kiss mark sa leeg, lipstick stain sa polo, ex-boyfriend, best friend, suspicious mark sa wrist ni Jayce, hindi kaya..." Dali-dali siyang nagtatakbo pababa.

Nakasunod lang sa kanya si Kit na parang isang batang humahabol sa kalaro niya.

At dahil sarado na nga ang kaso, ang lugar kung saan natagpuan ang katawan ni Renz ay available na muli para sa mga estudyante. Wala na ang yellow police tape. Malaya nang nakakagalaw ang lahat sa lugar na iyon.

"Anong hahanapin natin dito?" inosenteng tanong ni Kit habang nangangamot ng ulo. Clueless siya pero nais pa rin niyang tumulong. Ang totoo ay hindi niya alam kung bakit ginagawa iyon ng dalaga.

"Bracelet," simple at direktang sagot ni Jiwon.

"Nawawala ang bracelet mo?" worried na tanong ni Kit. Hindi siya ganoon ka-bright para maintindihan ang simpleng sagot nito. Nagsimula na rin siyang maghanap sa pag-aakala na sa dalaga ang bracelet na nawawala.

"I'm sure it's somewhere here. Kapag nakita natin 'yun, the mystery will be solved."

Noon lang nakuha ni Kit ang nais ipahiwatig ng dalaga. Tumigil siya sa paghahanap ng bracelet sa damuhan at tiningnan si Jiwon sa paraan na animo'y pagod na siya. "Jiwon, itigil na kaya natin 'to? Bakit hindi na lang natin pagkatiwalaan ang mga pulis? Baka suicide talaga ang nangyari."

Patuloy lang sa paghahanap si Jiwon nang sumagot ito, "Sa tingin mo talaga nagpakamatay siya?"

"Suicide, aksidente o homicide, hindi ba pare-pareho lang 'yun? Sa huli, patay pa rin siya. At isa pa, case closed na. Wala na tayong mababago."

Hindi makapaniwala si Jiwon sa kanyang narinig. Dahil doon ay tumayo siya at hinarap ang clueless na binata. "Naririnig mo ba 'yang sarili mo, Kit? Why are you so dense? Magkakaiba sila! Hindi mo ba nakita kung paano umiyak ang mama ni Renz? Hindi mo ba nakita na sobra siyang nasasaktan dahil akala niya nagpakamatay talaga ang anak niya? Habambuhay niyang sisisihin ang sarili niya, thinking kung anong ginawa niyang mali. Saan siya nagkulang sa pag-aalaga? Habambuhay siyang masasaktan, Kit.

Alam ko kung gaano kasakit 'yun. 'Yung tipong araw-araw mong tatanungin ang sarili mo na kung nagpakamatay talaga siya... anong dahilan? Bakit wala man lang siyang iniwan na sulat? Galit ba siya sa akin? May mali ba sa akin kaya mas pinili niyang mawala na lang?

Pero what if homicide ang nangyari? It will be a different story. Sabihin mo ng selfish, pero 'di bat mas okay na 'yung may iba kang sinisisi at hindi ang sarili mo lang? P'wedeng mapanagot ng batas ang taong pumatay, then justice will be served. You can forgive that person, p'wede rin hindi. Ang mahalaga, mapapanatag na ang loob mo na nabigyan mo ng katarungan ang pagkamatay niya. Mababawasan ang sakit, kasi hindi mo na sisisihin ang sarili mo, kasi may nagawa ka.

At kung accident lang pala ang lahat... 'yung pain nando'n pa rin, pero wala na ang blaming part. You can just think, Aah.. Time na talaga niya kaya kinuha na siya ni God. He'll be fine, kasi nasa tabi na siya ni God sa Heaven. Wala kang hatred na mararamdaman, hindi ba mas okay 'yun?"

Pakiramdam ni Kit ay nilamon siya ng kunsensya nang mga oras na iyon. Alam niya na tama ang lahat ng sinabi ng dalaga. Nagmukha siyang jerk dahil sa pagiging ignorante. Hindi siya makapaniwala na ganoon kababaw ang judgment at logic niya kumpara sa dalagang hinahangaan.

"Kaya kung may possibility pang natitira na hindi suicide ang nangyari, kahit kaunti man 'yan, bakit hindi natin i-uncover? Wala namang masama kung silipin natin ang ibang anggulo," pagpapatuloy ni Jiwon.

"Jiwon..." Bigla na lang lumuhod si Kit sa sobrang hiya at kunsensya.

"Hey! What are you doing?"

"Sorry! Sorry, ang babaw kong mag-isip. Sasamahan kita hanggang sa dulo. Promise!" Nakataas pa ang kanang kamay ng binata na animo'y pormal na nangangako.

"Tumayo ka na nga diyan! Baka may makakita pa sa'yo. Kung ano pa isipin nila."

Sinunod naman iyon ni Kit. "Hanapin na natin para sa mama ni Renz."

Makalipas ang halos kalahating oras na paghahanap, tila napagod na silang dalawa.

Paupo na sana sa lupa ang dalaga nang may mahagip na kumikinang na bagay ang kanyang peripheral view. Naroon iyon sa gilid ng paso na nasa tabi ng gusali. Ginapang niya iyon at pinulot. 'Tsaka kuminang rin ang kanyang mga mata. "I think I found it."

Agad na lumapit sa kanya ang binata at sinuri ang kabuuan ng silver na bracelet. "JC?" basa nito sa initials na naka-engrave.

"Now, isang piece na lang ng puzzle ang kulang."

"Ano pang kulang?"

"A confession."

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now