Niyakap ko sya saglit bago nagmamadaling umalis. “Thanks, Spade!” pahabol ko bago tuluyang umalis.

Dumiretso ako sa elevator at pumuntang rooftop. Nanlalamig ang kamay ko at paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi dapat ako umiyak at dapat akong maging matapang sa harap nya. Hindi ako bibigay agad, aja!

Pagbukas ko ng pinto sa rooftop ay nakita ko agad sya na nakatalikod. Pormal na pormal ang suot nya. Humarap sya ng maramdaman ang presensya ko at feeling ko ay totoo ang sinabi ni Spade kanina na makita ko lang sya ay gusto ko na syang yakapin.

Seryoso ang mukha nya habang pinapanuod ako na papalapit sa kanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at talagang nawawala ang lahat sa akin kapag kaharap ko sya. Na-miss ko talaga sya.

“Hey.” nanginginig na bati ko sa kanya at ngumiti pa ako na parang walang nangyari nung nakaraan. Okay, plastic din pala ako gaya ni Aleyna, ang pinagkaiba lang namin ay topperware sya. Matibay na plastic.

“Audrey..” malamig na tawag nya. Kinilabutan ako dun at mas lalong dumomble ang kaba ko sa way ng tawag nya. Alam ko na... alam kong masasaktan na naman ako sa huli.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin bago ako nagsimulang magsalita.

“Duke? Ano na bang nangyayari?” tanong ko at nangingilid na ang mga luha ko pero pinipigilan ko.

Matagal bago sya nakasagot at halos pigilan ko ang paghinga habang hinihintay yun.

“Let’s stop, Audrey. Let’s end the chase. Just stop the..” he paused pero saglit lang at agad na nyang dinugtungan. “just stop everything. Nasasaktan na lang kita.”

Tumulo na yung luha ko at tumango-tango sa sinasabi nya. Itanatatak ko sa buong sistema ko ang sinabi nya.

Kung makapagsalita sya ay parang pagod na pagod na sya. Eh wala naman syang ibang ginawa kundi saktan ako di ba? Nakakapagod ba yun?

“Ano? Meron bang kailangang ihinto, Duke?” nanghihina kong utas sa kanya. Pinipilit kong magpakatatag at isipin na hindi to totoo pero hindi ko na talaga kaya.

Nag-iwas sya ng tingin. “I’m sorry. I tried but...” huminto sya at hindi na nya tinuloy.

Pinunasan ko ang mga luha ko pero ayaw tumigil. Walang kwenta, bwisit. “Pero wala talaga? Hindi mo talaga ako kayang mahalin? Si Aleyna lang talaga?” tanong ko. Punong-puno na ko.

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas para magtanong pa. Oo malinaw na sa akin ang gusto nya pero gusto ko lang i-torture lalo ang sarili ko para mas lalo ako ma-motivate na kalimutan sya.

Hindi ulit sya sumagot at hindi din sya makatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at sinabi sa kanya ang huling tanong ko.

“Kahit konti ba hindi mo ako minahal?” kalmadong tanong ko.

Tumingin sya sa mga mata ko at punong-puno yun ng mga emosyon na hindi ko mabasa. “I’m sorry.” sagot nya at yun ang naging cue ko at nasampal ko sya ulit.

Mas gusto ko pa yung galit sya at hindi kalmado ng ganito dahil sobrang nasasaktan talaga ako. Parang wala lang sa kanya kung mawawala ako at ang tangi nya lang nararamdaman ay ang guilt dahil sa pagpapaasa nya sa akin.

All this time, ako lang pala yung nakakaramdam nung ‘something’ sa amin. Akala ko meron na pero lahat pala yun ina-assume ko lang. At lahat ng pinapakita nya sa akin ay pagpapanggap lang. Pakiramdam ko ay sobra-sobrang niloko ako.

“Bagay talaga kayo nung Aleyna na yun, parehas kayong best actor at best actress. Ang galing nyo! Ang galing mo! Kasi napaniwala mo ako.” natatawa ko pang sabi habang umiiyak. Ang sakit-sakit yung tipong nakakabaliw na. “Kaso ang tanga ko din no? Naniwala ako sayo!”

Hindi sya nagsasalita at hindi rin sya nakatingin sa akin. Nanginginig ako sa inis sa kanya, sa bruhildang na Aleyna na yun, sa sarili ko, sa lahat.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ng matamis sa kanya. Saka sinampal sya ulit sa pangalawang pagkakataon ngayong oras na to. “Pabaon ko yan. Salamat sa lahat. Thank you for the broken heart, Duke.” malamig na sabi ko bago tumalikod sa kanya at ngayon sinisigurado ko na hindi na ulit ako babalik pa.

*

Oh di ba may update agad. Kiligin kayo please! Haha. Comments? ♥

Hi pala kina @ajishiko, @Triixeeey, @AngelHeartYou, @LeaveMeAloneOrDie, @soshi_MYE, @jagiyadaragonRN, @AsdfghjklPink_Panda, @JessaPaura, @AkoSiPattySen, @MillihelenReis.  Trip ko lang ulit i-mention. Hi din pala kay Darren Espanto,(kahit di nya mababasa)wala lang sya lang talaga ang naiisip ko pag tina-type ko si Duke pero masyado pa syang bata. LOL.

Twitter: @heyairaaa #TCAY

Story of Aeron & Erica: PROJECT POPULARITY

xoxo

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon