Chapter II

120K 1.5K 81
                                    

[2] The Past

-Audrey-

Nakatambay ako sa tapat ng bahay namin habang sinisipa-sipa ang mga batong nasa kalsada. Araw-araw ko itong ginagawa, hindi yung pagsipa ng bato kundi yung pagtambay sa labas ng bahay namin pagkauwi. Hinihintay ko kasi yung pagdating ni Kuya dahil paniguradong kasama nya si Duke. Lagi kasi silang sabay umuuwi gamit yung sasakyan ni Duke my loves ko dahil malapit lang naman sila dito.

Napaayos ako ng tayo nung makita ko na ang padarating nyang sasakyan. Habang papalapit ito ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Alam nyo ba yung pakiramdam na sa sobrang bilis nito parang yung paligid ang bumabagal? Ganun yung nararamdaman ko dahil parang ang bagal nung pagdating nung sasakyan at halos lumabas na yung puso ko sa excitement na makita ulit sya.

“Yes, pare. Masaya yun panigurado.” boses agad ng magaling kong kuya ang narinig ko pagdating nila.

Agad kong sinilip ang nagda-drive sa kanila at hindi ko napigilang mapangiti nung makita ko syang nakangisi kay Kuya. OMG, ang gwapo nya talagang ngumiti.

“Aeron, alam kong hindi ka sa performance natin sa ball excited, malamang excited ka lang na mambabae.” sabi ni Clark kay Kuya na ngayon ay nakababa na ng sasakyan pero hindi ko pinansin yun at nanatiling nakatitig kay Duke na unti-unting kumunot ang noo at tumingin sa side ko pero agad ding umiwas.

“Sige, alis na kami.” sabi nya at halos magtatalon ang mga insekto sa loob ng tyan ko nung marinig ang boses nya. Baliw na baliw na talaga ko. Tiningnan ko lang ang papalayo nyang sasakyan at napabuntong-hininga.

Kelan nya kaya ako mapapansin? Sa loob ng sampung taon na kilala ko sya, naging invisible lang ako lagi sa kanya. Why? Because he hates me. Kasalanan ko din naman yun.

10 years ago.

 I was seven years old back then and I was a brat. Then, bigla nalang syang dumating at ang alam ko kaibigan sya ni kuya Aeron. I liked making pranks at gusto kong bigyan ng sample sa kaibigan ni Kuya. Nilagyan ko ng putik ang upuan nya, pinapatid ko sya at kung ano-ano pa, in short, I bullied him. Hindi sya umiimik at hindi ako pinapatulan. Hanggang sa sinabihan na ako ni kuya.

“Stop making fun of my friend, Audrey! It’s not funny anymore. Kawawa na nga si Duke, tapos mas lalo mo pang kinakawawa.”

“Why? What did I do?”

Patuloy kong dine-deny ang ginawa ko kahit alam kong alam na nila. Kahit sinabi sa akin ni Kuya na huminto na ako tapos sinabi nya din sa akin na ampon lang si Duke. I pity him pero hindi yun ang magpapahinto sa akin.

“Hey, ampon ka pala?” asar ko sa kanya nung makita ko sya pero umiwas lang sya sa akin. Imbes na sya ang mainis, ako pa ang laging naaasar sa kanya, bakit kasi ayaw nya kong pansinin?

“Ampon! Ampon! Ampon!” sigaw ko sa kanya at nagulat nalang ako ng bigla nya akong tinulak pero mahina lang tapos tiningnan ng masama.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon