Chapter F O R T Y - T H R E E

4.6K 78 8
                                    

Chapter 43

Queennie's PoV

Nakaupo lang ako dito sa kotse ko sa labas ng Gym kung san nagtitraining ang RP team kakarating ko lang din naman. Nahagip naman ng mga mata ko ang bulaklak na binili ko kanina na nakalagay ngayon sa passenger seat.

Alam kong may something sa kanila ni Ara. Pero sa nakikita ko wala pa namang sila. Hindi naman sasama sa akin si Den sa Zambales kung merong sila. Not that I'm saying it was a date or anything at least nag-inform lang naman ito kay Ara diba ng whereabouts nya.

Hindi ako bulag para di makita kung pano nila titigan ang isa't-isa. Pero di dahilan yon para hindi ko ituloy 'to. Tama. Q, it's now or never.

Ramdam ko ring di kumportable si Ara sa presence ko lalo na pag nakakasama ko si Laz. Ibig sabihin lang nito threaten sya.

Naputol na lang ang pag-iisip ko ng may sunod-sunod na katok sa windshield ko. Nakita ko naman itong nakangiti. Tented 'tong auto ko kaya di ako kita dito sa loob. Bigla na lang nawala ang lakas ng loob ko at agad kong tinago sa backseat ang bulaklak na binili ko.

Agad ko namang pinatay ang engine ng auto ko at bumaba.

Denden: kanina ka pa?

Tanong nito. I really can't take my eyes off her. Oo maganda sya, pero aside don napakabuti at masayahin nyang tao. Not until that day na nasaktan ito ni Thomas.

Simula non parang nagkaron na ng wall sa pagkatao nya. Yes, she smile, pero di tulad ng dati na natural itong lumabas sa kanya. Pero nong nagkita kami sa parking lot parang bumalik ang dating Dennise na kilala ko.

Denden: Calling Q, to go back on Earth! Totot! Totot!

Tyaka nito tinuktok ang ulo ko.

Ako: Aray naman Lazaro. Makapukpok ah. Pinto?

Pagrereklamo ko. I missed those eyes. Yong parang ngumingiti. Di nga lang ako sigurado kung sino ang dahilan ng mga mata nitong napakasaya ngayon.

Denden: your spacing out kasi. Lets go? Tapos ang tagal mo pang lumabas. Ano bang iniisip mo?

Pagrereklamo nito. So adorable. Nagrereklamo na nga ito pero ang sarap pa rin pakinggan. Kung iba siguro 'to baka tinarayan ko na. Pero si Laz 'to. Kaya kahit na awayin ako nito baka ikatuwa ko pa.

Aly: Hi Q!

Bati ni Aly ng makalapit sa amin. Dahilan para di ko na sagutin ang tanong ni Laz. Buti na lang. Di ko rin naman alam ang isasagot sa mga tanong nito.

Ako: Hello Phenom!

Masigla kong bati rito.

Aly: napapadalas ang punta rito ah.

Saad nito na para bang nang-iintriga. Yong ibang mga teammates nito nagsitungo na na rin sa kanya-kanya nilang saksakyan.

Ako: wala naman. Sinusundo ko lang si Lazaro.

Okay ba't parang ang defensive ko. Siguro dala na rin nong plano ko dapat ngayon. Pero kailangang kong i-abort. Ayaw kong mabigla ito.

Aly: yah! Defensive.

Denden: wait lang Q ha. Ly saglit.

Singit naman ni Denden sa usapan namin.

Q: san ka?

Tanong ko rito.

Denden: saglit lang ako.

Saad nito habang naglalakad palayo sa amin at nagtungo kay Ara. Yah. Ara. Kasama nito si Kim. Pero mukhang nagpaalam rin na mauuna na ng makitang palapit si Denden.

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Onde histórias criam vida. Descubra agora