Chapter T H I R T Y O N E

5.5K 77 14
                                    

Chapter 31
Kim's PoV

Nagmamadali kaming nagtungo sa Hospital ng mabasa ko ang text ni LA sa akin kaninang pagkagising ko.

Di ata ako nakapagpalit ng damit. Well, di nga talaga sa sobrang lasing ko di ko na namalayan paano ako nakauwi. Ganun din si Ria at Jessey di pa nakakapagpalit, bigla ko na lang kasing kinaladkad sa pag-aalala ko kung napano na si Ara.

Nang mahanap namin ang room nito naabutan namin si Mika na nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto nito kaya agad-agad namin syang nilapitan.

Ako: kamusta si Ara?

Tanong ko rito.

Jessey: kamusta si Ara, bf?

Sunod na tanong na rin ni Jessey.

Ria: miks?

Pukaw nito sa atensyon ni Mika. Napano ba 'to. Nakatulala lang sa pinto.

Mika: ha? Andito rin pala kayo.

Parang wala sa sariling tanong nito.

Kim: kamusta si Ara?

Ulit kong tanong rito.

Mika: di ko alam. Kadarating ko lang rin.

Sagot nito na parang di sigurado.

Jessey: ba't di ka pa pumapasok bf?

Tanong ni Jessey rito.

Mika: ha? Ah, papasok na sana ako kaso kinausap nyo pa ako e.

Nakangiti na nitong sagot. Ah, nga naman..

Ria: halina nga kayo..

Sabay bukas ni Ria ng pinto.

Napangiti naman ako sa nakita ko. Nagmadali kaming pumunta kasi iniisip namin baka kung napano na sya tapos ito madadatnan namin.......pero syempre di ko naman gustong malala sya. Never... Nakakagulat lang na ito yong maabutan namin.

Ria: langya! Yong halos makabangga ako sa pagmamaneho para makarating dito agad..

Pagrereklamo ni Ria.

Ria: aray naman babe.

Binatukan kasi ito ni Jessey. Natatawa na lang ako.

Jessey: ang ingay mo kasi. Kita mong may natutulog.

Ria: sorry babe..

Pagpapacute nito habang hinihimas ang batok nito.

Kim: gigisingin ba natin?

Ria: wag na. Hayaan na muna natin. Mukhang okay naman na si Ara e.

Sabay upo nito sa sofa.

Tinap naman nito ang lap nya at inuutusan si Jessey na mahiga. May mga hangover pa ata.

Kim: labas lang ako. Biling kape. Kayo ano bang gusto nyo?

Ria: kape na rin. Sayo babe?

Jessey: same... Bili ka na rin ng makain.

Tyaka ito pumikit. Feel na feel nito ang pagkakahiga sa lap ni Ria. Inlove nga naman.

Nagulat naman ako pagtalikod ko. Mika.. Ang tahimik naman ng babaing 'to.

Ako: gusto mong sumama? Bili tayong pagkain.

Tumango naman ito at sumunod na sa akin palabas. Nakakapagtaka. Ang tahimik naman ata ng bakulaw na 'to.


Ara's PoV

Di ko namalayan nakatulog pala ako ulit. Nagulat pa yong nurse na nagcheck sa akin kanina ng makitang nakahiga sa kama si Den. Nagsign na lang ako na tumahimik baka magising at mahiya pag nakita kami sa posisyon namin. Considerate naman yong nurse after nitong makuha ang temp ko lumabas na rin agad. Pero nakangiti naman ng nakakaloko.

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon