Chapter S I X T E E N

5.7K 68 6
                                    

Chapter 16

Arra's PoV

Ilang minuto na rin mula ng umalis si Ara. Ako nakaupo lang rito at iniisip pa rin ang nakita ko kahapon.

Flashback.....

Phone convo with Thomas..

Ako: hon, samahan mo naman akong mag-grocery. Wala na akong stock dito e. please....

Thomas: I'm sorry hon. Busy talaga ako ngayon. Dami naming ginagawa dito sa Opisina.

Ako: Lately lagi ka na lang busy.

Pagpapaawa ko rito.. Ilang araw na rin kaming di masyadong nakakapag-usap ng maayos. Lagi nyang dinadahilan busy sya.

Thomas: promise hon babawi ako after nitong bagong project namin dito sa office. I love you...

Ako: i love you too.. Sige mag-iingat ka.

Thomas: ikaw rin.. Bye!

Pinutol ko na ang tawag at umalis na lang mag-isa.

Naisipan kong puntahan na lang muna si Denden dahil matagal na rin naman na kaming di masyadong nakakapagbonding. I'm sure tapos na rin naman na ang training nito. Magbabakasakali na lang akong nasa boutique sya nito.

Pababa na ako ng kotse ko ng makita ko ang kotse ni Thomas sa tapat ng boutique ni Denden. Akala ko ba busy ito?

Papasok na sana ako sa boutique, kaso napako ako sa kinatatayuan ko. Ang saya-saya nilang namimili ng dress nagtatawanan sila at yong mga ngiti nila sa isa't-isa....... Arrggg!! Hindi ko alam pero nagseselos ako.

Bago pa man nila ako mapansin umalis na agad ako. Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa mapadpad ako sa isang bar...

End of flashback....

Di ko maiwasang di isipin, pano kaya kung di ako pumasok sa eksena? Paano kung di nahulog sa akin si Thomas? Siguro napakaperfect couple nila ni Denden ngayon. Baka kasal na sila.

Nakakainis. Dapat di ako nakakaramdam ng ganito. Si Denden yon. Yong taong nasaktan ko ng minahal namin ni Thomas ang isa't - isa pero nagawa pa rin kaming patawarin.

Nakakakonsenyang nag-iisip ako ng di maganda...

Bumalik na lang ako sa katinuan ko ng may marinig akong kumakatok sa pinto ko.

Nang buksan ko ang pinto bumungad sa akin si Denden. Di ko alam pero niyakap ko sya agad. Nakokonsensya ako sa mga pinag-iisip ko.

Ako: I'm sorry Den..

Hingi kong paumanhin rito. I know magtataka sya. Pero di ko kayang sabihin na pinag-isipan ko sya ng masama kaya mag-sosorry na lang ako.

Denden: hey.. Okay ka lang? Ba't ka nagsosorry?

Kumawala na ito sa yakap ko at tyaka ako tinitigan. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Umiling lang ako...

Denden: sigurado ka?

Tumango na lang ako. Di ko rin naman alam ang sasabihin ko. Nahihiya pa rin ako sa mga pinag-iisip ko.

Denden: nga pala pinapabigay ni Thomas. Binili nya kahapon sa boutique ko.

Sabay abot nito ng paper bag na may dress. Mas lalo tuloy akong nakonsenya kaya niyakap ko sya ulit.

Denden: okay ka lang ba talaga?

Tumango na lang ulit ako.

Denden: May gagawin ka ba?

Tanong nito. Umiling lang naman ako.

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Where stories live. Discover now