Chapter S E V E N T E E N

5.9K 77 6
                                    

Chapter 17

Denden's PoV

Nagulat ako ng makita ko si Ara ng pumasok kaming lahat sa gym. Naka practice attire ito at pawisan na.

Una kong napansin ang bagong look nito. Sigurado akong marami namang ma-aattract rito. Parang nong college days lang namin. Ang hot nyang tingnan habang basa ng pawis.

Yong ibang teammates namin ang daming kalukuhang pinagsasabi. Natatawa na lamang ako.

Lahat sila ay tumakbo ng yakap sa kanya. Pero ako andito lang nakatayo. Nang maglikramo itong di na makahinga nagtungo na ako sa bench para ilagay ang gamit ko.

Nakita ko naman itong nakatingin sa akin kahit nong nagsasalita si coach titig lang sya sa akin.

Ano bang problema nito? Wala ako sa mood na pansinin sya. Naiinis ako sa kanya.

Nong magsimula na ang practice inoobserbahan ko lang sya paminsan-minsan. Napakaseryoso nitong nagpapractice. Ganito ba ang Ara Galang pagdating sa larong Volleyball?

NapakaSmart at napakahot nitong pagmasdan habang nagpapractice. Paminsan-minsan nagtatama ang aming paningin pero agad akong umiiwas.

Aly: makatitig Ber wagas ah. Pasulyap sulyap ka kunyari, patingin-tingin sa akin di maintindihan..

Bulong sa akin ni Aly at sinabayan pa nya ng kanta. Iniripan ko lang naman sya.

Ako: di kaya.

Tanggi ko.

Aly: e ba't labas ilong? Di pa kasi binati kanina e. yan tuloy. Pinapansin ka naman ayaw mo namang pansinin. LQ agad?

E ba't ba. Sa naiinis pa rin ako e. tyaka anong LQ?

Ako: anong LQ? Ba't kami magkakaron ng ganyan e wala pa namang kami.

Aly: "wala pa namang kami"

Ulit nito sa sinabi ko sabay air quote nito. Yon ba yong nasabi ko? Ba't ko nasabi yon.

Ako: ano ibig kong sabihin wala namang kami para mag-LQ.. Oo tama yon yon.

Natataranta kong paliwanag tyaka naman ito humagalpak ng tawa. Letche!! Napagtawanan pa ako. Ano ba naman kasing bibig 'to kung ano-anong pinagsasabi.

Aly: iba na yan.

Tawa pa rin ito ng tawa... Inirapan ko lang naman ito.

Aly: oh Ara. Hello. Naks. Pawis na pawis ah.

Ako: sira ulo ka talaga. Ano bang trip mo?

Singhal ko kay aly. E kaming dalawa lang naman dito sa gilid ng court.

???: bakit naman sira ulo si Aly?

yong boses nya. Ang tagal ko ring di narinig yan.

Aly: hahahaha!!! Wala Ara, baliw na kasi 'to.

Tawang tawa na sagot ni Aly tyaka ako nito pinaharap sa likod.

Andito nga sya. Malapit sa amin. At pawis na pawis. Nakatitig lang ako sa kanya. Ganun din naman sya sa akin. Bigla naman itong ngumiti.

Yong puso ko.. Bigla na lang bumilis yong tibok. Pero wag Den!! Di mo pa sya gaanung kilala. Isa pa naiinis ka sa kanya diba?

Ara: okay ka lang? may problema ka ba?

May pag-aalalang tanong nito?

Ako: wala! Ba't naman ako magkakaproblema aber?

Pagtataray ko rito.

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon