Chapter T W E N T Y T W O

5.9K 77 27
                                    

Chapter 22

Ria's PoV

Di ko na alam ang gagawin ko. I love her since then pero di ko man lang magawang magtapat. Natatakot ako. Pero ayaw ko naman 'tong ganito na makukuntento na lang sa anong meron kami. Kaibigan!!

Ara: alam mo kanina ka pa wala sa sarili mo. Kahit sa practice kanina.

Sita sa akin ni Ara. Andito kami sa condo nila ni Ate Kim. Bukas na kasi yong alis namin papuntang Batangas. Di lang pala kami ang pupunta andun din yong mga partners ng mga teammates namin.

Ara: konti na lang iisipin ko ng baliw ka.

Natatawa nitong dugtong. Palibhasa kasi may progress yong lovelife nito kanina e.

Flashback....

Halos lahat kami may hangover pa actually sila lang. Kanina pa reklamo ng reklamo 'tong si Ate Kim sa tabi ko na masakit pa ulo nya. Pero wala naman kaming magagawa anong excuse ibibigay namin kay coach aber?

Halos kumpleto na kami rito pero wala pa si Kambal. Mukhang malilate pa ata. 2nd day of training.

Pero napanga-nga ako ng sabay silang pumasok ni Denden dito sa gym at nagtatawanan pa talaga.

Ang saya-saya ng mata ni kambal. Grabe bumalik na talaga ang dating Ara.

Ara: hoi Lazaro wag ka nga. Buti na lang talaga i have a sexy back kung nagkataon basag ang bungo ko.

Narinig ko ng pinag-uusapan nila ng medyo malapit na mga ito..

Denden: asa ka naman. Namukhaan lang kita agad kaya di ko na natuloy ang paghampas sayo.

Ara: oh really? Kaya pala titig na titig ka sa....

Di na natapos ni Ara yong sasabihin nito ng sumingit si Ate kim. Buhay pa pala 'to.

Kim: sa ano wafs??

Singit nito.

Nakita ko namang sinamaan sya ng tingin ni Denden kaya tumahimik ito. Wala pa man din under na... Eeee.. Kinikilig ako sa kanila promise..

Denden: sa bacon na luto nya Ate Kim.

Kim: oh!!!

Tangjng sambit nito na halatang di naconvince...

Kung di sana sya sumingit kanina e di nalaman namin kung ano yon diba.. Tsismosa kasi e..

Ara: oo tulo laway nga e..

Natatawang sagot ni Ara. Sila lang atang dalawa nagkakainitindihan. Kasi nagwink pa talaga si Kambal sa kanya. Na syang nagpablush rito..

Naggiggled naman si Ara sa nakita nyang pamumula ng pisngi ni Denden. Langya sya pa kinilig. Para nanaman kaming nanonood ng movie rito..

Denden: asa ka naman..

Tyaka sya inirapan ni Den at nagtungo kina Aly sa kabilang side ng court.

Bipolar din pala 'yong babaing yon. Kahapon halos ayaw kausapin o pansinin man lang si kambal pero ngayon daig pa nila ang love birds.. Ang cute nila promise...

End of flashback.....

Ako: Ay Potek!!!!

Sigaw ko..

Ara: yan okay na. Nasa earth ka na..

Natatawa nitong komento.

Basain ba naman ako ng tubig.. Buti na lang isang baso lang... Sinamaan ko naman ito ng tingin..

Ako: kambal naman e.. Basa tuloy ako.

Reklamo ko rito..

Ara: sorry na. Pano ba naman kasi kanina pa kita kinakausap. Kung kanina parang wala ka sa sarili ngayon-ngayon lang ngi-ngiti-ngiti ka. Aba't may sira na ba ang tuktok mo?

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon