Chapter T W E L V E

6.4K 74 8
                                    

Chapter 12

Ara's PoV

Maaga akong nagising ngayon. Ngayon kasi yong araw ng friendly match ng RP team against Thailand. Pero kahit friendly match ito sigurado akong magiging intense ang laban.

Nakakatuwang isipin na ang dami ng nahuhumaling sa larong volleyball. At pumapangalawa na ito sa mga inaabangan ng tao dito sa bansa sa larangan ng sports.

Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko na si Ate Kim at Ria na nag-aayos. Dito na rin natulog si Ria, para sabay na raw sila ni wafs na pumuntang gym para sa few announcement ni coach.

Ako: good morning girls!!!

Bati ko sa kanila na nakangiti.

Ria: maka-girls ah. Good morning too kambal.

Di naman ako pinansin ni Ate Kim. Busy pa rin ito kakaayos ng gamit nya. Kaya Tumingin na ako kay Ria. Nagmouth lang naman ito ng "war". Gets ko na yon. Umandar nanaman siguro ang pagkaselosa nito.

Nilapitan ko na sya at ti-nap ang shoulder nito.

Ako: may game ka pa mamaya. Ngiti na.

Pag-papagaan ko ng loob nito.

Kim: oh gising ka na pala. Good morning!

So all along di nya ako napansin? Pati yong bati ko kanina? Anak ng... Malala nga 'to.

Ako: actually kanina pa. May problema ba?

Kim: ha? Wala naman. Sorry busy kakaayos ng gamit e.

Tahimik lang na nakikinig sa amin si Ria at tyaka umiling.

Ara: ah. Gusto nyo ng kape? Paghahanda ko kayo. Maaga pa naman. Ikaw kambal?

Di ko na muna i-pu-push ang topic na 'to. Magsasabi rin naman yan pag di nya na kaya.

Ria: talaga? Sige.. Thanks...

Parang batang sagot ni Ria. Tumango lang naman si Ate Kim.

Tumungo na ako sa kusina para gumawa ng kape. Mahilig kaming tatlo sa kaping walang asukal. Di ko rin alam pero mas na-eenjoy ko ang kape pag walang sugar.

Nilapag ko na dito sa kusina ang kape namin. Sumunod naman silang dalawa at umupo na.

Ako: good luck sa game nyo mamaya.

Pagkasabi ko non tumango lang naman si Ate Kim.

Ria: thanks kambal. Pero sana maisipan mo ng maglaro. Gusto talaga kitang maging teammate e.

Sabat ni Ria na nag-papaawa pa. Matagal ko na ring pinag-iisipan. Actually 2 days ago lang pala.

Ako: pag-iisipan ko.

Bigla namang nag-iba ang mukha nilang dalawa. Si Ate kim na kanina lang tango ang sinagot sa akin biglang nagkaron ng kinang ang mata.. Okay ara kinang talaga? Basta yon na yon.

Kim: sigurado ka wafs?

Tumango lang ako bilang tugon.

Bigla naman akong niyakap ni Ria.

Kim: sa wakas...

Ako: sabi ko pag-iisipan ko. And kambal pweding bumitaw?

Ria: e ba't ba. Natutuwa ako e.

Umandar nanaman po ang pagkachildish nito.

Ako: sige na natutuwa ka na. Pero bitawan mo na ako. At mauuna na ako sa inyo.

Kim: bakit? Ang aga mo naman ata. Sabay-sabay na tayo.

Ria: oo nga naman. Iisang lugar lang naman pupuntahan natin kambal ba't kailangan mo pang mauna?

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Where stories live. Discover now