Chapter T H I R T Y T W O

5K 84 33
                                    

Chapter 32

Mika's PoV

Ako/Ara: daks!!

Sabay pa naming pagkakasabi. I know ang tahimik ko kanina. Pinagmamasdan ko lang naman sya.

Ngayon ko lang ulit syang nakitang ganyan kasaya.

Ara: sige ikaw na..

Nakangiti nitong utos sa akin sabay kamot nito ng batok nya.

The same Ara.. Di talaga sya nagbago.. Or should I say the "old ara" is really back.

Ako: kamusta pakiramdam mo?

Tanong ko rito. Sobrang kaba ang naramdaman ko ng makatanggap ako ng text mula kay LA na nasa Hospital ito. Nagtataka rin ako ba't pati ako sinabihan ni Kuya LA. Pero natural lang naman siguro yon. Bestfriend ko naman sya.

Ngumiti muna 'to bago nagsalita. Halos nga di na maalis sa mukha nito ang pag-ngiti. Natutuwa ako sa nakikita ko sa kanya.

Ara: maayos na ako daks. Buti na lang bumalik sina Den at Kuya LA kagabi.

Sagot nito sa akin. Mababakas sa tono ng boses nito ang saya. At yong kinang sa mata nito ng binabggit nya ang pangalan ni Denden ay mababakas.

Ako: kumain ka na ba?

Ara: di pa nga e. ikaw ba?

Tanong naman nito sa akin pabalik.

Ako: di pa rin. Nagmadali rin kasi akong pumunta rito. Kala ko kung napano ka na.

Tapat kong sagot rito.

Ara: naku ang daks ko.. Dapat kumain ka muna. Halika kainin na lang natin yong dala ni Wafs.

Ang weird man pero ang sarap sa pakiramdam na matawag ako uli nito ng "daks ko", alam ko naman di yon ang nais nyang ipabatid. Pero parang tumaba ang puso ko hearing those words.. Her telling, na pag-aari nya ako.

Ara: oi okay ka lang ba? Kaya ayaw kong nalilipasan ka ng gutom e.. Iba nagiging epekto sayo.

Pagbibiro nito na sinabayan pa ng tawa. Ang tagal ko rin bago narinig muli ang tawa nito. Ang tawa nito na totoo. Yong hindi nakikisabay at hindi napipilitan lang.

Ako: so pinagtitripan mo na ako ngayon?

Pananakot ko rito..

Ara: oi hindi ah. Takot ko lang sayo.

Pagbibiro pa nito.

Ako: puro ka talaga kalukuhan.

Tyaka ko ginulo ang buhok nito. Touching her only makes me feel that I miss being with her.

Ara: okay ka lang ba talaga? Ba't parang ang tahimik mo?

Ako: yah I'm fine.. Ako na magpapakain sayo.

Tyaka ko inayos ang mga pinamiling pagkain nila Ate Kim.

Ara: alam mong pwede mong sabihin sa akin kung may problem ka diba?

Napahinto na lang ako sa ginagawa kong pag-ayos ng pagkain namin at hinarap sya.

Concern was written all over her face.

Nginitian ko na lang sya at lumapit ulit sa kanya. Okay naman ako. Maayos naman ako.

Ako: okay. lang. ako. Wala. lang. akong. tulog. kaya. ganito.

Sinasabi ko yon sa kanya habang iniipit ko ang magkabilang pisngi nya ng dalawang palad ko at inangat ito pataas pababa.

Ara: daks nyaman e. mtyakit.

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Where stories live. Discover now