Chapter T W E N T Y T H R E E

5.9K 72 21
                                    

Chapter 23

Ara's PoV

Nakakarelax talaga ang ganitong may outing. Having the chance to enjoy a beautiful place with the people you love.

Kanina pa ako kumukuha ng picture nila habang nagkakaron sila ng sari-sarili nilang mundo.

Namiss ko rin 'to. Although ilang linggo pa lang din naman simula ng huli kong gamitin 'to. Pero kasi naging partner ko na rin 'to ng ilang taon. My hobby!! My Companion!! Photography!!

Kanina ko pa sya kinukunan ng litrato habang nakikipag-usap kina Arra at Thomas. Just by watching at her makes me feel better. Yong mga angulo nyang tumatawa, ngumingiti, nakasimangot, nagpapacute, nagbablush name it.. Ngayong araw lang nagawa nyang lahat yan. The way how her lips moves when she talk. Everything.. pwede na ata akong pumasang stalker..

Di ko tuloy di maiwansang maalala yong nangyari sa amin nong isang gabi. I miss her kiss kahit na di nya maalala and the way she touched my back. I was just thankful I still manage to get up. Di ko na rin sinabi baka kasi iwasan nya ako. I'll savor it by me self na lang.

Jessey is also here with mela. Di ata team bonding 'to kasi everyone have their partner with them. Except me and Riri.

????: maganda ba mga kuha mo?

Tanong ng boses na nagmumula sa likuran ko.

Ako: kuya LA!!

Tyaka ko sya yinakap.

LA: di ka naman excited na makita ako?

Ako: namiss lang kita kuya. Ang tagal kaya kitang di nakita.

LA: para ka pa ring bata.

Tyaka nito ginulo ang buhok ko. Namiss ko talaga 'to.

Ako: kuya naman e. di na ako bata. I'm a grown up now..

LA: yah yah!!! Pero nong last time na nag-usap tayo you were crying like a baby.

Pang-aasar nito tyaka humagalpak ng tawa.

Ako: hey! That was all in the past already.

LA: but you will always be our Baby Ara..

Ako: e kuya naman e..

Tumawa naman ito sa inasta ko. Well, kuya LA also help me a lot that time yong sobrang broke ako. Sya rin nag-introduce sa akin ng Photography.

Ako: kailan ka pa rito? How's states?

Tanong ko rito. Bigla bigla na lang kasing umalis papuntang US.

LA: States pa din.

Tyaka ito tumawa. Sira talaga..

Di pa sya napapansin ng ibang dating Archers medyo malayo naman kasi yong pwesto namin sa kanila.

Ako: ewan ko sayo kuya. So pano mo nalaman na andito kami? Alam ba nilang andito ka na?

LA: i have my ways baby.. And di pa. Yaan mo sila. Mapapansin din nila ako maya-maya.

Ako: baby your face kuya. Halika lapit tayo sa kanila.

Sabay hila ko rito palapit sa mga nagkukumpulan naming mga kasama.

Palapit na kami ng mapansin nila kung sino ang kasama ko.

Thomas: pare!!! Nakarating ka.

Sabay manly hug nila ni Thomas.

LA: you invite me remember?

Thomas: hahaha!! Oo nga pala.

Patawa rin 'tong si Thomas e.

Thomas: Je!! Avo!! Kuya LA is here!!!

Not Until You Came (Ara Galang - Denden Lazaro)Where stories live. Discover now