"I'm not going to leave you Margarette, just walk. I'll tell you the directions." Sabi niya at tumawa pa.

Wala na akong nagawa kundi sundin yung sinabi niya, dahan dahan akong lumakad hanggang sa garden, nadapa dapa pa ako at hindi man lang ako tinulungan ng gago! Badtrip ah! Pag walang kwenta tong gagawin niya sasapakin ko talaga siya!

"Take care, Margarette! There's a rock!" Sigaw niya, kaso asdgsjksl huli na ang lahat, nasubsob na ako.

"Shit. Ang sakit." Bulong ko atsaka nag-upong palaka. Pakiramdam ko may sugat na ako sa tuhod!

"Damn, clumsy girl. Stand up..." hindi ako nagsalita pero tumayo ako, tinulungan niya ako sa pagtayo, nung tuluyan na akong makatayo ay hinawakan niya na yung kamay ko. Shit naiiyak na ako e. Nakakainis naman kasi tong si Anthony!

"Hey Margarette... sorry na..." bulong niya atsaka ako niyakap.

"Oy Anthony, tsansing ka na ah!" Sabi ko atsaka tinanggal yung kamay niya na nakayakap sakin, aba. Ninja moves e,

"Grabe, pasalamat ka nga at niyakap kita. Si Mark Anthony Lee? Niyakap ka? Woah, lucky girl." Hindi na ako nakatiis at tinanggal ko na yung takip sa mata ko, letseng Anthony to! Pinapunta niya ba ako dito para lang asarin at pagtripan?

Pagkatanggal ko sa panyo ay hinarap ko kaagad siya, nakita kong nakatingin siya sakin at nakangiti, tinataas baba pa yung kilay niya! Aba't!

"O..ouch! F-vck, paano na tayo magkakababy nito?" Hirap na hirap niyang sabi, napaluhod na siya sa damuhan at namilipit sa sakit, aba! Wala akong paki! Nasugatan yung tuhod ko dahil sa kanya! Ilang beses akong nasubsob dahil sa kanya! Kaya wala pa yung pagsipa ko kumpara sa mga ginawa niya!

"Yan ba yung oo mo sa tanong ko? Kung ang pagsipa sa alaga ko yung oo mo handa akong magpasipa ulit makumpirma lang na payag ka sa gusto ko." Dagdag niya pa atsaka ako kininditan. Namimilipit na nga sa sakit nakuha pa akong kindatan? Susmeyo!

Napailing na kang ako sa kanya, tumayo na siya mula sa pagkakaluhod niya, aalis na sana ako kaso biglang nagkaroon ng ilaw.

Isa-isang bumukas ang ilaw, christmas lights to be exact, mula sa mga puno, sa lumang fountain hanggang sa buong garden ay nagkaroon na ng ilaw. Nilibot ko ang paningin ko,

"Oh my..." hindi ko alam kung pano magrereact. Nakangiti siya sakin, yung ngiti niyang parang ngisi. Yung ngising mas lalong nagpapatingkad sa kagwapuhan niya, shemay! Ano baaaa. Yung puso ko ayaw tunigil sa pagkabog, parang anytime lalabas na talaga siya mula sa dibdib ko!

"Beautiful, isn't it?" Tanong niya, tumango na lang ako. Wala akong masabi, speechless ako.

"Bilib ka nanaman sakin e," agad akong napasimangot, hinampas ko naman siya at umirap. Panira ng moment e, "Joke lang! Papaiyak ka na e, pinipigilan ko lang. I don't want you to cry... I want you to smile... because of me..." pinunasan niya yung luhang tumulo sa mga mata ko, nag aadik ba to? Sino bang hindi maiiyak sa ginawa niya?

"Nakakainis ka... malamang iiyak talaga ako! Bat kasi ang effort mo!"

"Syempre ikaw yung pagbibigyan ko, biruin mo? President ng MA? Scratch that-- masungit na president ng MA? Napaiyak ko? Hanep diba? Gwapo ko talaga." Hinampas ko siya dahil sa kahanginan niya pero tinawanan niya lang ako. Pasaway.

Nilibot ko ulit yung paningin ko sa buong garden, hindi talaga ako makapaniwalang si Anthony gagawa ng ganitong effort.

Punong puno ng ilaw, at petals ng roses itong garden. Lagot niyan to kay dean dahil nagkalat siya. Pero paano nga ba niya nagawa tong surprise na to?

Iniisip ko pa lang yung preparation niya natatawa na ako. Lalo na kapag sina Stephan ang tumulong sa kanya, paniguradong asar at sakit ng ulo yung natanggap niya.

Nilakad ko simula sa kinatatayuan ko hanggang doon sa umiilaw na kadila. Nakapalibot yon sa isang telang puti na may mga petals at nakapormang mga letra..

"I'll court you." Basa ko atsaka tumingin kay Anthony,

"Sabi na e! Crush mo talaga ako! Ikaw ha! Hahaha!" Napasimangot siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong natawa, omygad! Liligawan niya talaga ako?

"Akala ko naman sasabihin mo, Thankyou, ofcrs! You can court me... hay nako. Paasa Margarette."

"Oy! Di ako paasa ha!"

"O ano nga? Pwede ba?" Sasagot pa lang sana ako kaso nagsalita nanaman siya, tingnan niyo to, bustedin ko kaya to.

"Ah basta! Oo man o hindi, liligawan pa din kita. Hindi ko naman tinatanong kung pwede ba kitang ligawan. Sinasabi ko lang na liligawan kita para aware ka, manhid ka pa naman."

Sabi niya atsaka ako hinila at niyakap, loko e. Sinapak ko nga. Napangiti naman ako, ang garden na to, dito ko sila nakita noon, masaya, nagtatawanan habang ako nasasaktan. Pero at least ngayon, napalitan na ito ng ala ala. Ala alang ganito kasaya.

Salamat, Anthony....

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now