Chapter 18

0 0 0
                                    

"So tell me kara ? Gaano ba kayo ka close ni christian ?"tanong nya sakin ng nakataas ang dalawang kilay nya

"Di naman ganon ka close , pero sapat na kung anong meron kami para makumbinsi ko syang makipag balikan kay mariela"sagot ko bago pa makalapit sa amin ang sales lady na may dalang paper bag

"Ito napo mam ! Salamat po"kinuha naman ni mikaela ang paper bag na iniabot sa kanya ng sales lady

"Alam mo kara , sinasabi ko na sayo wag kana makielam kung ayaw mong madamay"napakunot ako sa sinabi nya

"Madamay ? Saan ? "Agad syang tumawa at hinampas ako sa braso

"Hay naku ka kara !! Nag bibiro lang ako pero kasi wag kana talaga makielam !! Buhay nila yun eh"sabi ni mikaela chaka ako hinila palabas ng Forever21

Di ako papatinag !! Gusto ko ng magkaayos ang dalawa para makasama ko na ulit si mariela dito sa pilipinas

"Teka !! Si christian yun ah ?"rinig kong sabi ni mikaela na nakatingin sa lalaking di kalayuan sa amin

"Hah ? Paano naman mapupunta si christian dito ?"sabi ko , tumingin naman sya sakin chaka ako nginitian

"Ah eh oo nga naman ! Imposibleng nandito rin si christian ! Tara uwi na tayo ! Marami narin tayong nabili eh"sabi nya chaka kami umalis

Ng maka uwi na nga ako ay agad akong dumeretso sa kwarto para ilapag ang mga pinamili ko

(Mikaela POV)

Kailangan kong makita si christian ngayon ! Ayokong may ibang babaeng nakikipag usap sa kanya tulad ng nakita ko kanina !!

Kinuha ko ang cellphone ko at chaka tinawagan si christian

"Nakaka inis !! Ayaw sagutin !!"sabi ko sa aking sarili

Nilapag ko na nga ang mga pinamili ko sa kama chaka muling lumabas para puntahan ang bahay ni christian

"Manong !! Tara ! Ipag drive moko ! Puntahan natin si christian !"utos ko sa driver

"Opo mam !"sagot nya

Ng makarating nga kami sa harap ng bahay ni christian ay sakto naman ang pag labas nya sa kotse nya . lumabas narin ako sa kotse ko para kumatok sa gate nila

Binuksan nya ito at tumambad sa akin ang inis na mukha nya

"Mikaela ? Ano nanaman ba ?"sabi nya bago tumalikod . Pumasok ako sa gate nila at sinundan sya

"Nakita kita kanina sa mall !! Ano nanaman yun ? Sino nanaman yung kasama mong babae ?"sabi ko chaka sya humarap

"Christian wala si .. "sabi ng babae na lumabas mula sa pinto ng bahay nila

Kumulo ang dugo ko kaya agad akong lumapit sa babae at sinampal ito .  Lumapit naman sa kanya si christian

"Ano bang problema mo mikaela ?"pasigaw na saway sa akin ni christian

"Hoy babae !! Ang kapal naman ng mukha  mo !! Di mo ba alam na akin si christian ?? Wag mong landiin !!!"sigaw ko sa babae

"Christian ? Ano ba yang girlfriend mo masyadong possessive ??"sabi ng babae chaka tumalikod at papasok sa loob ngunit mabilis ang kamay ko kaya agad ko syang sinabunutan bago pa man tuluyang makapasok sa loob

"At papasok kapa talaga sa loob ! Malandi ka !!"sabi ko habang si christian naman ay tinatanggal ang kamay ko sa buhok ng babae

"Tigilan mo si ate christine !! "Agad ko syang binitawan ng marinig kong ate ang tawag nya sa babae

3 Ladies 1 ManWhere stories live. Discover now