Chapter 7

0 0 0
                                    

Ng akoy maka uwi ay agad akong sinalubong ni manang sa pintuan at kinuha ang mga dala ko

"Mam mukang pagod na pagod po kayo ah?"sabi nya sakin

"Di naman po , nag punta po ako sa market kanina namili ng mga kailangan para may makain tayo . Kunin mo nalang po dyan , tapos po yung gamit ko na pinamili ko paki lagay sa kwarto"utos ko chaka naglakad ulit papunta sa garden

"Ahmm mam ? San po kayo ?"tanong nya ng mapansin nya akong lalabas ng pinto

"Sa garden lang po manang ! Paki dalhan nalang po ako ng pagkain at maiinom"utos ko chaka nag lakad ulit

Ng makaupo nako sa upuan na nandito sa garden ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si mikaela

"Bakit kaya di nya sinasagot ?"tanong ko sa sarili ko.

Maya maya pa ay dumating na si manang na may dalang pagkain at juice

"Salamat po!!ahmm manang paki kuha po yung loptop ko ah ?"utos ko chaka ulit sya umalis

Haiyts mikaela , di ko tuloy alam kung totoo bang kaibigan ang turing mo kay mariela ! Mahal ka ni mariela bilang kapatid pero bakit mo sya nagawang ganunin ?

"Ito napo mam !"nagulat ako sa nagsalita kayat napahawak ako sa kaliwang dibdib ko.

"Sorry mam , nagulat po ba kita ? Lalim po kasi ng iniisip nyo"sabi nya chaka nilapag ang loptop sa mesa

"Salamat po"pagkasabi ko non ay chaka lamang sya umalis

Binuksan ko ang loptop ko at nag skype kay mariela

"Hai kara !! Kamusta kana ? "Tanong nya habang may hawak na bulaklak

"Ikaw ang kamusta ? Okey kana ba ? Parang naka move on kana agad ah ? May nag bigay na agad sayo sa bulaklak oh !!"sabi ko chaka ngumiti

"Sus eto ba ? Bigay to nung lalaking nag sundo sakin dito sa america !! Galing daw kay daddy !!"sagot nya habang inaamoy ang bulaklak

"Mahal mo paba si christian?"napatigil sya sa pag amoy ng bulaklak at dahan dahang tumingin sakin

"Si christian ? Oo ! Mahal na mahal .. pero ano nga bang magagawa ko ? Ayaw na nya eh .. kailangan ko nalang tanggapin yon"sagot nya na malungkot

"Paano kung sabihin ko sayong mahal ka parin nya ?"tanong ko pa

"Alam ko naman na mahal nya pako , pero ano magagawa ko kung ayaw na nya ?"sagot nya chaka muling lumuha

"Mariela tanong ko lang ? Kaibigan ba talaga ang turing mo kay mikaela ?"seryoso kong tanong

"Oo naman ! Di lang kaibigan ! Kapatid ang turing ko don !! Pati sayo !! Mahal ko kayo noh !! Mahal ko si mikaela kahit ganon yung bruhang yon !!"sagot nya chaka pinunasan ang luha

"Kahit ba may magawa syang mali ? Patatawarin mo ??"ngumit sya sandali chaka nag salita

"Oo naman!! Kahit anong kasalanan pa yan .. patatawarin ko sya, teka bakit mo natanong ?"tanong nya

"Wala naman , natutuwa ako sa naging sagot mo , mahal mo talaga si mikaela noh ? Maswerte kami naging kaibigan ka namin"sabi ko ng mayroong ngiti sa mukha

"Aba !! Oo naman !! Marami kayang nag hahangad na maging kaibigan ako ! Kayong dalawa lang ang pinalad !!"sabi nya chaka tumawa ng malakas kahit na kita ko sa mata nya ang sakit na nararamdaman dulot ng pagkakahiwalay nila ni christian.

3 Ladies 1 ManWhere stories live. Discover now