Chapter 6

0 0 0
                                    

Di ako makapaniwala na kayang gawin ni mikaela yon . Pero nararamdaman ko na totoo ang sinasabi ni christian.

"Ibig bang sabihin ? Wala kang naging babae ?? Si mariela lang ang  babae mo ?? At si mikaela lang nangungulit sayo ?"tanong ko bago bumitaw sa pagkain na hawak ko

"Maniwala ka man sa hinde !! Si mariela lang ang naging babae ko sa buong relasyon namin ! Si mikaela ??  Wala sya sakin .. tinataboy ko sya ng paulit ulit pero wala talaga .. para bang di sya nasasaktan .."tuloy pa nya

Hmm mikaela !! Bakit moto nagagawa kay mariela ?

Matapos ipag tapat sa akin ni christian lahat ay nag desisyon na akong  magpaalam sa kanya .

"Salamat kara hah ? Naging maluwag ang loob ko"pagpapasalamat nya habang naka ngiti

"Naku wala yon !! Sige mauuna na ako . "Ngumiti ako sa kanya chaka ako lumabas sa gate nila

Sumakay ako sa kotse at bumyahe papunta sa mall

Sa paglilibot ko sa mall ay napukaw ang atensyon ko sa isa sa restaurant na nandoon.Para bang nakikita ko si mikaela.Napangiti ako at naisip na sa wakas ay may makakasama ako mag libot.Pupuntahan ko na sana sya ng mapansin kong may dumating na lalaki sa table nya . Umupo ito kayat imbis na puntahan ko sya ay umupo ako sa isa sa mga table doon malapit sa kanila at saka na lamang ako lalapit pag umalis na ang lalaki.

"Wow ah ? Ang tagal tagal mo !!"rinig kong sabi ni mikaela

"Insan naman .. alam mo naman nag jeep lang ako papunta dito ."sagot ng lalaking kausap nya

Insan ?? Pano ? Kilala ko lahat ng kamag anak ni mikaela . Pero di ko kilala ang lalaking yon ?

"Hoy eric !! Wag moko matawag tawag na insan dyan !! Malayong insan kita kaya di tayo close !! Ayokong tinatawag moko ng ganyan !! Chaka jeep ? Yak !! Pano ka nakatagal sa jeep ? Kadiri ah ?"sabi ni mikaela

"Maka kadiri ka naman , alam mo bayaran mo nalang ako para maka alis na ako . Kesa nang iinsulto ka dyan !!!"galit na sagot ng lalaki

"Okey fine !! Eto ang 50 000 !! Siguro naman okey na yan bilang kabayaran sa pang gugulo mo sa dalawa ?"tanong ni mikaela

"50 000 lang ? Hoy mika !! Nahirapan ako sa kaibigan mo !! Mahigit isang taon ko din kinulit yang kaibigan mo !! Tapos 50 000 lang ?"sagot ng lalaki

Teka ? Sino ba tinutukoy nila ?

"Oh bakit ? Nasarapan ka naman sa ginawa mo sa kaibigan ko diba ? Hoy !!! Virgin pa yon nung pinagalaw ko sayo !! Aba !! Swerte ka nga eh !! Ikaw naka una don !! Chaka ako naman nag bibigay sayo ng pera para masundan mo lagi si mariela ah ? Gumagastos din ako sayo !!!"Nabigla ako sa sinabi ni mikaela.Hindi ako makapaniwala na kaya nya iyon gawin kay mariela

"Pag di mo to dinagdagan !! Sasabihin ko sa kaibigan mo na ikaw may pakana nito !!!"tuloy ng lalaki

"Ok fine !! Here !! Another 100 000 .. okey naba ?" Tanong ni mikaela

"Sige okey na muna to !!! Aalis nako !!"wala na akong narinig na salita matapos yon.

Natulala ako ng ilang segundo.Di ako makapaniwala sa narinig ko.Tumayo ako at tiningnan ko si mikaela sa pwesto nito ngunit wala na sya roon.

3 Ladies 1 ManWhere stories live. Discover now