Chapter 4

1 0 0
                                    

Ng maka uwi na si mikaela ay kumain nako ng hapunan, umakyat na ako sa kwarto at umupo sa kama

Nakita ko ang picture naming tatlo sa tabing mesa ng kama , kinuha ko ito at tinitigan

"Hmm mika ? Gusto ko lang malaman ? Ikaw ba yung babaeng lumalandi kay christian ?"

Napaisip ako bigla

Throwback

"Ano bayan best , naiiyak nako sa nangyayari sayo eh"sabi ko sa mariela na niyayakap ko ngayon

"Kasi naman mga best nakita ko si christian !! May haliparot na babae na yumayakap sa kanya sa hallway ng cr kanina sa mall !! Alam ko naman na tinataboy nya yun pero kasi ang sakit sakit"sabi ni mariela habang umiiyak

"Eh may iba na pala yan si christian eh !! Bakit di mo hiwalayan ?"sabi naman ni mikaela habang kumakain ng popcorn

"Miks naman !! Sinabi naman ni mariela diba ? Na .. tinataboy ni christian yung babae !! Kaya walang ginagawa si christian para hiwalayan nya !!"sabi ko chaka bumitaw si mariela sa pagkakayakap sakin

"Alam nyo gusto ko syang makita pero nakatalikod sya !! Di ko nakita mukha nya habang pilit syang yumayakap kay christian kanina !!"patuloy ni mariela habang nagpupunas ng luha

"After kong makita yon .. bumalik sakin si christian , wala syang sinabi sakin !! Parang wala lang nangyari !! Bumalik kami sa pamamasyal . Di nako naging masaya hanggang sa hinatid nya ko dito sa bahay"sabi pa ni mariela

"Haiyts hayaan mo na yun mariela , sure ako kaya di na nya sinabi sayo para di kana mag alala, atleast tinataboy nya diba ?"sabi ko chaka tumingin kay mikaela na nag cecellphone

"Hay nako !! Kung ako yan !! Hihiwalayan ko na yan si christian at ibibigay nalang don sa babaeng yon !!"napakunot ako habang nakatingin kay mikaela

"Pano mo nasasabi yan ? Di naman pwede hiwalayan ni mariela si christian sa ganong dahilan lang .. nagmamahalan sila"sabi ko chaka tumingin kay mariela

"Tama ka kara !! Mahal ko si christian !! Mahal ako ni christian !! Kaya hanggat di sya pinapatulan ni christian !! Nandito parin ako !!"sabi ni mariela . Biglang tumayo si mikaela

"Ok fine !! Sige na uuwi nako pagabi narin eh !!"chaka naglakad si mikaela palabas dito sa kwarto ni mariela

"Hmm ikaw kara ? Baka hinahanap kana din ?"tanong nya.

END OF THROWBACK

Napahiga ako sa kama habang hawak ang picture namin tatlo

"Miks ? Ikaw ba ang babaeng yon ? Sana naman mali ako ng iniisip"sabi ko chaka ibinalik ang picture sa tabing mesa ng kama ko.

Maya maya may biglang kumatok sa pinto ng kwarto kaya agad ko itong binuksan

"Oh ma ? Umuwi napo pala kayo"salubong ko kay mommy chaka yumakap.Pagka bitaw ko sa kanya ay agad nya kong binigyan ng pera

"Anak ! 1 week kaming mawawala ni daddy mo ? Kaya ayan pera pang gastos mo dito ! Mag iingat ka ah ? Mamayang madaling araw aalis na kami"sabi nya chaka umalis sa harap ko

Sinara ko ang pinto at bumalik sa kama

"30 000 ?? Haiyts ! Di naman eto ang kailangan ko .. "sabi ko at nakaramdam ako ng luhang pumatak mula sa mata ko

"Ikaw talaga kara di kapa nasanay !"sabi ko sa sarili ko

3 Ladies 1 ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon