Chapter 1

1 0 0
                                    


Christian Mendoza - Lee Min Ho
Mariela Montes - Bae Suzy
Mikaela Ramsey - Park Shin Hye
Kara Fernandez - Yoon Ah

(Mariela POV)

"Ano ba Christian !! Aalis kaba talaga ? One mistake lang yon ?" Tama , isang pagkakamali lang ang nangyari . Lasing ako non , di ko alam ang nangyayari . Naabutan nya ko dito sa tinutuluyan naming resort na may kasamang lalaki at pareho kaming nasa kama .

"Isang pagkakamali ? Alam mo naman siguro ang tama sa mali ?"sabi nya habang patuloy na nag iimpake

"Christian !! Nagmamakaawa ako wag mo ako iiwan , mahal na mahal kita . Di ko naman sinusumbat sa iyo ang babaeng humahaliparot sayo diba ? "sabi ko habang umiiyak .

"Di mo kayang isumbat dahil di nya ako magawang landiin dahil kaya ko syang itaboy . Eh ikaw ?"sagot nya

"Lasing ako"sagot ko

"Tss . Lasing ka man pareho nating alam ang nangyayari ? Wag mo kong bigyan ng dahilan na ganyan.Nalalasing din ako mariela pero di ko nagagawa yang kabalastugan mo !! Mahal kita mariela pero tama na . One mistake ? Hindi isang beses lang .. maraming beses mo na ko naloko , nakakapagod kana mahalin"sabi nya chaka nag zipper ng maleta at naglakad papuntang pinto.

"Sandali. Anong sinasabi mo ? Ilang beses niloko ? Kahit kelan di kita niloko "pigil ko sa kanya ng di nakatingin.Huminto sya sandali pero wala syang sinagot sa akin kundi pilit na ngiti na para bang sinasabing "talaga ?"

Nagpatuloy sya sa paglalakad papunta sa sala

"Aalis nako papuntang america sa friday.Aasahan kong pipigilan mo ako." Huminto sya sandali chaka muling naglakad

Wala na. Wala na nga siguro. Di na nya ako mapapatawad . Dalawang araw palang kami dito sa resort nato . Tatlong araw dapat kami dito pero sinira ko ang dapat ay masayang bakasyon . Wednesday na ngayon . Bukas na bukas ay uuwi ako sa bahay .

Kailangan ko ang mga kaibigan ko ngayon

Binuksan ko ang bag na hawak ko at kinuha ang cellphone ko.Tinawagan ko si Mikaela

"Oh hello sis ! Musta naman ang bakasyon nyo ni christian ?"tanong nya

"Wala na sya"napasigaw sya ng malakas

"Hoy ano ba !! Masakit sa tenga"hirit ko

"Ai sorry . Teka what do you mean sa wala na sya ? You mean ? Hes .. hes .. dead ?"sabi nya na malungkot ang boses

"Tanga !! Wag kang OA !! Umalis na sya . Iniwan nya ko . Tara tawagan mo si kara . Kailangan ko kayo . Kita tayo bukas sa bahay pag uwi ko"sabi ko chaka humiga sa kama

"Sure bes . Sige bye"sagot nya chaka pareho naming binaba ang cellphone. Tumulo ang luha ko.

Kinabukasan maaga akong nag check out sa resort at bumyahe pauwi.

Ng makarating ako sa bahay ay wala ang mga magulang ko.Lagi silang wala dahil nasa kanya kanyang trabaho. Sa alis ko papunta sa america siguro wala rin sila

Dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig .

Maya maya ay nakarinig ako ng doorbell. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang dalawa kong kaibigan.

"Hai bess !!"sabay nilang sabi chaka ko sila pinapasok sa loob

Umupo sila sa sofa

"Ui mariela . May dala kaming chichiria . Make some drinks naman para complete na"utos ni mikaela

"Gusto mo tulungan kita bes ?"volunteer ni kara. Si kara  napakahinhin nya . Napaka bait . Ibang iba kay mikaela na madalas ay babaliw baliw at may pagka badgirl . Pero pareho silang may concern sa akin

"Wag na kara . Bisita ko kayo"naglakad na ako papunta sa kusina para maghanda ng maiinom.

3 Ladies 1 ManWhere stories live. Discover now