Chapter 17

1 0 0
                                    

Habang nag lalakad kami sa mall ay naisip namin na pumunta sa quantum para maglaro

"So kara ? Ano uunahin natin ? Hmm .. ako .. ayun !! Mag fifishy fishy muna ako ikaw ?"tanong nya sakin na naka ngiti . Para bang nakikita ko sa kanya ang mikaela na nakakasama namin ni mariela ng mahabang panahon

"Ganon nalang din ! Mag fifishy fishy nalang muna tayo .. "ang saya lang na nakasama ko ulit si mikaela . Sayang lang at nabawasan na ang tiwala ko sa kanya . Sana di ko nalang nalaman ang lahat ng ginagawa nya .

"Nakaka pagod pala dito sa quantum ! Tara kain na muna tayo . Gusto ko mag mcdo !!"sumang ayon lang ako sa kanya chaka kami lumabas sa quantum at nag lakad papunta sa mcdo

Ng maka order na nga kami ay agad kaming nag hanap ng pwesto at umupo

"Ahmm mikaela ! Ahmm .. baka gusto moko tulungan para magkaayos si christian at mariela . Kung gusto mo lang ?"tanong ko sa kanya na seryosong naka tingin sa kanya. Napatigil sya sa pag bubukas ng ketchup at seryosong tumingin sa akin

"Pwede ba kara !! Wag mo ng piliting ayusin yung dalawa ! Kung para sila sa isat isa .. edi sila !! Eh kaso hinde !! Hayaan mo na sila ! Wag kanang dumagdag pa !!"sagot nya na parang nagagalit kaya agad kong tinuon ang tingin ko sa hawak kong inumin

"Tingin ko naman pwede pa silang mag kaayos eh . Alam kong mag kakaayos pa sila , kung ayaw moko tulungan ! Ako nalang !"sabi ko sa kanya bago mag umpisang kumain

Masama ang tingin nya sakin na agad namang nawala ng mapansin nyang tumingin din ako sa kanya

Ng matapos nga kami ay nag ikot ikot pa kami at kanya kanyang bili ng mga gusto namin

Habang namimili ako ng damit ay natuon ang atensyon ko sa red dress . Hinawakan ko ito at ng kukunin ko na nga ay nagulat nalang ako ng may makasabay akong kunin ito

Napatingin ako sa kasabay ko at nanlaki ang mata ko ng si mikaela ito

"Hahahahha !! Kara !! Nauna ako dito !!"sabi nya habang tumatawa ..

"Pero una akong humawak dito "sagot ko naman ng seryoso

"Kara una ka ngang humawak pero ako .. kukunin ko na !! Kaya akin nato !!"sabi nya kaya agad ko itong binitawan at pinaubaya sa kanya

"Salamat .. naku kara ! Sana lang sa damit lang tayo maging magka agaw !! Kung pati sa lalaki ! Naku ! Ibang usapan na yan ! Hahahaha ! "Biro nya sakin na agad namang aking seneryoso

"Pag lalaki ba ? Kakalimutan mong magkaibigan tayo ?"nawala ang tuwa sa mukha nya at napalitan ng seryosong mukha

"Oo kara !! " natahimik kami ng matagal "joke ! Hahahah ! Syempre pipiliin kita ! Kaibigan kita eh !!! Hahahah !!"nawala ang tensyon sa pagitan namin ng sabihin nya iyon . Biro man para sa kanya iyon , alam ko sa aking sarili na kaya nyang kalimutan ang pag kakaibigan namin

"Oi masyado kang seryoso ! Sabi ko nga diba nag bibiro lang ako ?"sabi nya chaka ako hinawakan sa braso at hinila papunta sa sales lady na malapit sa amin .

Binigay nya ito sa sales lady kasama ng pang bayad . Habang nag hihintay kami sa damit ay sya naman itong humarap sa akin.

3 Ladies 1 ManWhere stories live. Discover now