Chapter 15

0 0 0
                                    

"Kara  ?"nilingon ko ito at nanlaki ang mata ko ng makita ko si christian

"Ikaw .. ikaw ulit . "Napangiti ako sa kanya

"Stalker ba kita ? Lagi tayo nagkikita eh"sabi nya at sabay kaming natawa

"Excuse me hah ? Ako pa ang naging stalker ? Eh ikaw kaya ang bigla biglang nag sasalita dyan"pang aasar ko sa kanya at muling tumawa

"Hmm tutal nagkita narin lang tayo . Bakit di pa tayo mag sabay sa pamimili !!"yaya nya at ngiti lang ang naisagot ko sa kanya

Habang kami ay nag lilibot ay may dalawang babae nag bubulungan sa likod namin

Hinarap ito ni christian at nilapitan

"Mga miss ! Pinag uusapan nyo kami tama ? Kung mag bubulungan kayo , pwede hina hinaan nyo naman ! Ang lakas eh ! Sa sobrang lakas umaabot hanggang sa labas ng super market ! Kayo rin .. baka di lang ako ang lumapit sa inyo .."sabi nya chaka nag pamulsa

"Ahm christian ? Kaya ba naghiwalay kayo ni mariela because yung bestfriend na nya ang gusto mo ? Grabe .. wala kang pinipili !! Mag kaibigan yan !!"sabi ng isa sa kanila . Lumapit ako sa kanila para hilahin na si christian ng muling magsalita ang babae

"At ikaw naman kara ? Bestfriend mo si mariela right ? Bakit pinatos mo to ?"turo nya kay christian

"Ahmm miss wala kaming relasyon ! Nagkita lang kami dito sa super market kaya naisip na namin mag sabay . Sana naman wag nyo bigyan ng ibang meaning "sabi naman ni christian ng malumanay chaka  umalis

"Grabe na talaga mga tao ngayon . Kung ano yung nakikita binibigyan ng meaning ! Di muna alamin yung totoong kwento "sabi ni christian na halatang inis na inis

"Hayaan mo nalang sila . Wala lang siguro silang magawa . "Sabi ko chaka huminto sa pag lalakad at kumuha ng karne

"Nakakatawa pa don kilala nila tayo ! Ganon naba tayo ka famous ??"sabi nya chaka tumawa

Ng matapos na nga kami mamili ay sabay na kaming lumabas ng supermarket at kanya kanya ng pumunta sa sasakyan

Nauna akong makaalis kay christian

(Christian POV)

Habang inaayos ko ang mga pinamili ko sa back seat ay nagulat nalang ako ng may pumasok sa sasakyan .

"Mikaela ? Ikaw nanaman ?? Sinusundan mo talaga ako ? Ano ba ?"Pumasok ako sa kotse .hinawakan nya ako sa hita at tinanggal ng unti unti ang sinturon ko . Agad ko syang pinigilan dahil di ko gusto ang ginagawa nya

"Tumigil ka nga mikaela !! "Tumigil din naman sya at inayos ko agad ang tinanggal nyang sinturon ko

"Nakita ko kayo ni kara . Sabay kayong lumabas sa super market ! Mabuti nalang sumama ako kay mudra dito at nakita ko kayo !! Ngayon mo sabihin na wala kayong relasyon ?"sabi nya na may luha na tumutulo sa mukha nya

"Wala kaming relasyon ni kara !! Ano ba mikaela !! Pati ba naman si kara ? Lahat nalang ? Lahat nalang ng lalapit sakin karelasyon ko ganon ?? Grabe kana .. di na nakakatuwa"sabi ko sa kanya at nag simula ng ipaandar ang sasakyan

"Nag seselos lang naman ako christian eh ! Ayokong may iba kang babae bukod sakin !!"sabi nya .. ng marinig ko yun ay tumaas ang galit ko . Hininto ko ang sasakyan at bumaba na dahilan ng kinagulat nya

Binuksan ko ang pinto at hinila sya palabas

"Ano ? Bakit moko nilabas ng kotse mo ?"di na ako sumagot sa kanya at naglakad na ulit ako pabalik sa sasakyan . Agad ko itong pinaandar bago pa man sya muling sumakay .

3 Ladies 1 ManWhere stories live. Discover now