Chapter 8

0 0 0
                                    

Ng matapos kaming mag usap ay pinatay ko na ang loptop ko chaka nag isip

Kung sabihin ko kaya kay christian na wala talagang lalaki si mariela ? Para naman mag kaayos na sila

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang may mag dingdong

Agad akong pumunta sa gate at tumambad sa akin ang mukha ni mikaela

"Hai kara ?"nakangiti sya sakin na para bang wala syang ginagawang mali samantalang ako ay di magawang makangiti sa kanya

"Wait ? May problema ba ? 1st time moko titigan ng ganyan ah ?"tanong nya kaya agad akong ngumite at pinapasok sya

"Upo ka muna dyan ah ? Uutusan ko lang si manang mag dala pa ng pagkain "agad nya akong hinawakan sa braso

"Wag na may dala akong pagkain"sabi nya habang hinihila ako paupo sa upuan sa garden

"Ah okey"sagot ko ng makaupo na kami

"So kara ? Pumunta ako dito kasi nakita ko yung phone ko , marami kang missed calls .. may sasabihin kaba ?"tanong nya habang kasalukuyang binubuksan ang chichiria na hawak nya

Nakatingin lang ako sa kanya

"Ui !! Ano ?"napatigil ako sa pag tingin sa kanya

"Ah pasensya kana , ahmm may tanong ako , ahmm nag skype naba kayo ni mariela ?"tanong ko chaka kumuha ng chichiria

"Ah di pa , pero mamaya .. tatawagan ko sya !!" Sagot nya habang nakangiti

"Tawagan mo sya miss kana non"sabi ko

Sabi ko ng seryosong nakatingin sa kanya

"Ah wait ! Sige alis na ko ah ? May pupuntahan pa pala ako !! Dumaan lang kasi ako dito eh"paalam nya at binitiwan ang chichiria sa mesa

"Wait di pa tayo tapos kumain ah?"sabi ko bago sya tumayo

"Ah eh .. ubusin mo na !! Sige alis na ko"naglakad sya palabas ng gate.

(Christian POV)

Habang nanonood sa kwarto ay naisip ko nanaman si mariela

Gustong gusto ko sya balikan pero di ko magawa sa twing naaalala ko na niloloko nya ako

"Manang ? Anong oras darating sila daddy ? Kahapon pa sila wala eh?"tanong ko sa isa sa katulong namin

"Ah sir wala po kasing sinabi sila mam !!"sagot nya sakin habang nag pupunas ng vase sa tabi ko

Maya maya pa ay may narinig akong nag doorbell sa gate kaya tumayo ako para buksan ito.Tumambad sa akin ang mukha ni mikaela

"Mikaela ? Ikaw nanaman ? Ano ba ginagawa mo dito ?"tanong ko sa kanya chaka tumalikod sa kanya

"Nandito ako kasi miss na kita"sagot nya habang sinundan ako sa loob

Niyakap nya ako habang akoy nakatalikod sa kanya . Humarap ako sa kanya at mahina syang tinulak

"Mikaela naman !! Di kaba nasasawa ? Simula ng ipakilala ako sayo ni mariela ganyan kana sakin !! Please naman !! Tumigil kana !! Ayoko sayo !! Kaibigan lang tayo !!"sabi ko sa kanya ng pasigaw

"Wala na kayo ni mariela diba ? Pwede na maging tayo !!"sagot nya

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo ? Kaibigan mo si mariela diba ? ?makapag salita ka parang wala lang sayo pinag samahan nyo ni mariela !!"sigaw ko

Lumapit sya sa akin at niyayakap nanaman ako

"Handa akong kalimutan ang pagkakaibigan namin mapunta ka lang sakin christian !! Mahal na mahal kita  !!"sabi nya habang pilit akong niyayakap

3 Ladies 1 ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon