Chapter 16 (Daddy)

Start from the beginning
                                    

"Ay sige po. Parang nagugutom na siguro itong tiyan ko. " sabi ko sabay haplos sa tiyan ko.

"Sige iho. Tatawagin ko lang ang onggoy. Hehe. "sabi nito at humahagik ik. Ang ongoy na sinasabi nito ay ang asawa nasi Mang Carlo.

"Sige po salamat. Punta lang muna ako sa taas. "ngiting sabi ko sabay halik sa pisngi ni nay Rose.

"Sige iho. Pupuntahan nalang kita doon sa silid mo mamaya pagnakahain na ako." sabi nito.

"sige po. Salamat." sabi ko at iniwan na siya. Tinungo ko narin ang ikalawang palapag ng mansion at pumunta sa silid ng mom ko.

Napangiti  ako sa isipan ng tumambad sa akin ang malinis paring kwarto.  Pinatili talagang malinis ni nay Rose ang kwarto ng kanyang ina. .

Tinungo ko na agad ang drawer ni mom na nooy naka lock. May small device sa gilid ng drawer para doon pindotin ang passcode.

I enter the code and then bumukas ito.

. Nakuha ko agad ang passcode dahil pina ayos ko ito ni Tito noon nung pumunta dito, dahil nga hindi ko naalala ang nakaraan.. .

Tumambad sa akin ang maraming old document. .

Nakita ko na iyon. Hindi mga documents ang pakay ko.
Kinalkal ko ang mga files pero wala ang hinahanap ko.. Hinanap ko sa ibang drawer pero wala akong nakita. Paanong nawala dito ang bagay na iyon..

Saan saan na akong naghanap pero wala parin ang hinahanap ko. .

And then I heard Nay Rose called me.

Lumabas na ako ng silid na may panlulumo. Maybe I should try to asked nay Rose.

Lumapit ako kay nay Rose.

"Nakahanda na ang pagkain ijo. " sabi ni nay Rose na may ngiti.

Ningitian ko lang siya at tumango.

Bumaba na kami ni Nay Rose at tinungo ang kusina. Nakita ko si Mang Carlo na nakangiting bumati sa akin.  Nasa around 50's na ito. Pero malakas na malakas parin. Nag mano muna ako at na upo na .

"Sumabay napo kayo sa akin." sabi ko sa kanila.

"Ay, katatapos lamang namin kumain kanina Ijo bago ka dumating." sabi ni Mang Carlo.

"Sige na ho. Kumain na po kayong dalawa. Sabayan na po ninyo ako. " may panlulumong sabi ko .

"Ay nako na bata ka. Oh siya. Kakain na kami. . " sabi ni nay Rose na may ngiti sa labi.

Alam kasi nitong namiss ko rin ang makasama silang maghaponan. .

Pareho na kaming kumakain.

"Nay, tanong ko lang ho. Nakita niyo po ba ang photo album?" sabi ko.

Pareho silang napakunot noo at tila naguluhan sa tanong ko.

"Iho, akala ko ba ipinatapon mo. Sabi kasi ni Sir Richard sa akin na ipinatapon muna raw iyon." sabi ni Nay Rose na ika kunot noo ko.

Wala akong inutos kay Tito. Hindi rin nagtanong si Tito tungkol sa album. .

"Wala akong sinasabi ni Tito ng ganoon nay. " sabi ko na may frustration sa mukha.

Bakit ginawa iyon ni Tito. Ano ang dahilan niya.

"Iho, sigurado kabang hindi mo iyon inutos sa Pekeng tito mo?" sabi ni mang carlo.

Tumango ako at tiningnan siya. Parang na hint ko kaagad na hindi nito gusto si Tito Richard.

"Opo., kailangan ko iyon Mang carlo. May titingnan lang po ako." sabi ko.

Opened your heart to me 🌺🌺🌺 (VENUS and REVIN)🌺🌺🌺Where stories live. Discover now