Chapter 12 (alive)

268 5 0
                                    

Revin Pov

"daddy why mom left you?" sabi ko

Hindi sumagot ang lalaking tinawag kong daddy.

Tumutunga lang ito sa hawak nitong bote. .

And then bigla nalang naging blangko.

At may liwanag nanaman akong nakita.

May lalaking nakagapos at may piring ang mga mata. Duguan ang mukha. .
Sumisigaw ito. .

At may isang lalaking pumasok at ilang sandaling pagtatalo ay bunot ito ng baril at pinutok ito sa nakagapos na lalaki.

"Nooooo!" sigaw ko.

Naging blangko nanaman.. . Mayroon nanamang liwanag ang nakikita ko, isang babaeng napakaganda at ngumingiti sa akin. .

At bigla nalang nag iba ang paligid bigla nalang dumilim at tila hirap akong huminga. .

May narinig akong nagsasalita. , hindi ko maigalaw ang katawan ko, hindi ko maibuka ang mata ko. Parang kaybigat ng katawan ko..

Umiiyak ang naririnig ko., isang babae at isang lalaki. .

"Please wake up, I need you., we need you. " iyak ng isang babae.

"Bro, wake up, alam mo bang nahihirapan na ako sa mga misyong kinakaharap ko dahil wala ka. Alam mo namang magiging active lang ako kapag kasama kita. " sabi ng isang lalaki.

Sino sila?, Sino ba ako? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. . Ano ang mga sinasabi nila, misyon?.  Naramdaman kung may humawak sa aking mga kamay. Isang mainit na palad. . .

Naramdaman kung ang kamay ng babaeng umiiyak ang humawak.

"Revin, babe. I miss you." sabi nito at humalik sa labi ko.

Gusto kung imulat ang mga mata ko, gusto kung igalaw ang aking katawan. Gusto kung makita ang mga taong humawak sa akin.. .

Ilang sandali tila nanghina nanaman ako at nakatulog ulit.

Ito nanaman ang mga panaginip niya. Isang babaeng umiiyak, . Nilapitan ko sana pero bigla itong humarap sa akin at may hawak itong baril , matalim itong nakatingin sa akin.

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong binaril malapit sa puso.

Napamulat ako bigla, puting kisame ang nakikita ko.

Napatingin ako sa gilid ng higaan ko. May babaeng nakatulog sa upuan katabi ng kama habang hawak nito ang kamay ko..

Gumalaw naman ito at hinarap nito ang mukha sa akin. Nagulat ito at mabilis itong yumakap sa akin.

"Babe. Gising kana. God! Thankyou." masayang sambit nito at na iyak din ito.

Humalik halik ito sa pisngi ko. Mataman ko lang siyang pinagmasdan.

Agad naman nitong binitawan ang kamay niya at lumabas sa silid . Ilang sandali may kasama na itong mga doctor . At may ginagawa sila sa akin. Tsinek nila ang katawan ko.

Pagkatapos ng mga doctor ay may isang lalaking lumapit sa akin. Magkasing idad lang kami siguro. At nakangiti itong lumapit.

"Thank god, your awake bro. " ngiting sabi nito...

Kunot noo ko silang tiningnan. Hindi ko sila kilala, kahit anong pilit kung isipin ay wala akong idea kung sino talaga sila..

Palipat lipat ang tingin ko sa kanila. .

Sino sila? Hindi ko sila kilala. , sino sila sa buhay ko. ,ano ang nangyayari sa akin...

"Si-Sino kayo?" tanong ko sa kanila.

Opened your heart to me 🌺🌺🌺 (VENUS and REVIN)🌺🌺🌺Where stories live. Discover now