Chapter 11: Self-Discovery

Start from the beginning
                                    

"Paano mo nalaman?!" bulalas ni Janina at nagpakawala ng tawa. Chord furrows her eyebrows and smirks.

"Of course. What's new?" she sarcastically replied. Nag-usap pa silang dalawa pero nanatili lang akong nakatingin kay Janina. This is my thing. To observe. Alam kong hindi talaga ang break-up nila ni Gail ang gusto niyang sabihin. At tsaka, hindi tumatawag si Gail kapag nag-away sila ni Janina. 

What's up with her?

"And alam mo ba, 'yung Tito ko bumisita sa bahay namin kahapon." 

Hinawakan ako ni Chord sa braso dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Para bang sinasabi niya na makinig ako sa ikwe-kwento niya. Napansin niya na ba na ang tagal ko nang nakatingin kay Janina kaya niya tinawag ang atensyon ko?

"Tapos syempre, nagkwentuhan ulit kami. 'Yung Tito ko kasing 'yon, matinik sa chix. Lahing Valencia kasi, mother side ko. Halata naman sa phenotype ko na hindi ko namana 'yung assets nila katulad ng pagiging maputi at ma-appeal." pagkwe-kwento ni Chord. She just used the word phenotype, a word for physical appearance from genetic makeup. 

"What's a phenotype?" tanong ni Janina. 

"Itsura mo na nape-perceive ng ibang tao. Kunwari ikaw, pandak. Oh, phenotype mo 'yung pagiging pandak." pang-aasar ni Chord kaya ayon, nabatukan ni Janina nang wala sa oras.

"Bargas ka talaga! Tsaka phenotype pa kasi ginamit na word! May mas simple namang salita bukod doon." sabat naman ni Janina. Tumatawang hinawakan ni Chord ang mga kamao ni Janina para pigilan ito sa pananakit sa kaniya.

"In order for you to familiarize some jargons, you need to use them for your daily basis." Chord said. Sinimangutan nalang siya ni Janina at umupo nalang ulit sa tabi ko. Tumayo kasi siya para maabot lang si Chord at mabatukan. Kasi nga, ehem, pandak siya.

"Anyways, itutuloy ko na ang kwento ko." saad ulit ni Chord at tumikhim pa. Inayos niya 'yung salamin niyang medyo bumaba na sa may ilong niya dahil sa kulitan nila ni Janina.

"So 'yun nga, tapos biglang napunta usapan namin sa mga babae. Alam niya kasi 'yung sexual orientation ko at tanggap naman niya ako. Nagkwe-kwento rin ako paminsa-minsan ng kaharutan ko tapos kahapon, bigla niyang sinabi. "Alam mo Chord, buti hindi ka naging lalaki."" saad ni Chord na may bahagyang paggaya pa ng boses nung Tito niya.

"Ano namang sabi mo?" tanong ko. 

"Sabi ko, "Bakit naman?" kasi syempre, mamaya nagbago pala isip niya at hindi na pala niya ako tanggap edi hindi ko na siya favorite na Tito." dugtong ni Chord.

"Oh tapos? Anong sabi niya?" tanong ko ulit. My words sound so bored pero interesado ako sa kinukwento niya. Pramis. 

"Sabi niya, "Kasi feeling ko, babaero ka."" saad ni Chord at humagalpak na ng tawa. Pati si Janina ay tumawa rin at nakahawak pa sa kaniyang tiyan habang ako ay tumatawa lang din ng mahina at napapailing. Parang bullseye Tito ni Chord sa kaniya. Ngayon pa nga lang na babae 'tong si Chord, pwede na siyang kasuhan ng polygamy e.

"A-ano namang pagtatanggol sa sarili mo ang sinabi mo?" utal na saad ni Janina dahil sa tawa. Huminga muna nang malalim si Chord bago sumagot. Ngumisi siya.

"Sabi ko, "Oh well, you'll never know."" saad ni Chord at tumawa na naman kami muli. Iba rin kasi magkwento 'tong si Chord at magpatawa. Walang bahid na pangde-degrade ng katauhan mo hindi tulad ng ibang tao na nanlalait para magpatawa. Siya kasi, personal experiences niya palang, sapat na. Katawa-tawa naman kasi talaga.

Speaking of personal experiences...

"Paano ka pala naging ganiyan, Chord?" tanong ko. Napatingin naman sila ni Janina sa akin at halata ang pagtataka sa kanilang mga mata. Parang 'yung magaan na atmosphere kanina biglang bumigat dahil sa tanong ko. Pakiramdam ko rin kasi, may ideya na sila kung anong itatanong ko.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now