Chapter fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Minsan nang naranasan ni Julie ang pagtaksilan, kaya naiintidihan niya ang nararamdaman ng kaibigan. Natoto na ito sa katangahan nito noon at hindi na ito papayag na muling gawing tanga, lalo na ng taong totoo at labis nitong minamahal.

“Julie, please believe me, there’s nothing between us. Kahit kailan hindi ako nagtaksil sa’yo,” Lenard pleaded, almost in tears.

Nauna nang nagpaliwanag sa kanila si Lenard. Anak umano ng isa sa mga kasamahan nito sa convention ang babae. Hayagang nagpapakita ng motibo kay Lenard ang babae, knowing him, hindi ito ang tipo na ipapahiya ang isang tao lalo na ang isang babae. At bilang respeto sa colleague nito, he kindly rejected the woman. She knew of how a gentleman that he is, at naniniwala siya dito. Alam rin niya kung gaano ito patay na patay sa kaibigan niya kaya hindi siya nagdudang magagawa nitong magtaksil.

 “Please, Julie...”

Naantig ang puso niya ng lumuhod sa harap ng kaibigan si Lenard. At nakita niyang kahit si Julie ay nagulat sa ginawa nito.

“Parusahan mo ako sa kahit anong paraan, huwag mo lang hilingin sa akin na pakawalan ka. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na makasama ka kaya hindi ko hahayaan na mawala ka pa sa akin. I’ve been in love with you since forever at hindi ako magsasawang mahalin ka kahit ayaw mo na sa akin. I love you, Julie, kahit sana iyon na lang ang paniwalaan mo.”

“Jeez!”

Napatingin siya kay Steven nang tumayo ito at pumasok ng sala.

“Go home, Lenard. Kung ayaw na ng kapatid ko, hayaan mo s’ya. Wala na siyang tiwala sa iyo, higit sa relasyon n’yo. Patunay lang iyon na mababaw lang ang sinasabi niyang pagmamahal niya sa’yo. Kung mahal mo s’ya hindi mo s’ya ikukulong sa relasyon na masasakal lang siya. It would be best for you to let her go and move on. Go find the right girl that trully deserves you. ‘Yong kayang ibigay ang buong tiwala sa’yo.”

Kita niya kung paano hindi makapaniwalang nakatitig na lang si Julie sa kapatid nito, saka titingin kay Lenard. Gusto niyang mainis sa sinabi ni Steven dahil imbes na tulungang magkaayos ang dalawa tila ito pa ang magiging dahilan para tuluyang maghiwalay ang magkasintahan. Hmm, mukhang apektado ang kaibigan niya sa sinabi ni Steven kaya hindi niya magawang kutusan ito.

Nanlulumong tumayo mula sa pagkakaluhod si Lenard makalipas ang ilang saglit na pananahimik nito.

“Maybe you are right, Steven. Mahal ko si Julie, at handa akong ibigay ang kahit ano na siyang magpapaligaya sa kanya. If it’s her freedom that she want, even if it hurts me, I would give it to her. But not now. I won’t let her go without a fight. Naghintay na rin naman ako sa kanya noon, kaya balewala na sa akin kung gaano man katagal ang hihintayin ko ulit na bumalik siya sa akin. Hindi ako magsasawang maghintay sa kanya.”

Faye thought that Lenard deserves an applause and standing ovation for that heartwarming speech. Napakaswerte ng kaibigan niya, for she’s so loved with this wonderful man.  

“Ok, kung iyan ang gusto mo at hindi ka papipigil. Pero bigyan mo muna ng space at panahon ang kapatid ko na makapag-isip.”

Ilang saglit na tinitigan ni Lenard si Julie saka bumaling kay Steven. Nakita niya kung paanong dumaan ang pagsisi sa mata ng kaibigan nang tumango si Lenard. Then he took a step out of the room. Napasinghap siya ng batuhin ito ng throw pillow ni Julie.

“Buwisit ka! Bakit nakinig ka kay Kuya!” bumaling ito sa kapatid nito. “At ikaw, Kuya, nakakainis ka na. Lagi ka na lang umeepal sa amin. Imbes na tulungan mong magkaayos kami, ikaw pa ang kontrabida. Tinuruan mo pang ipagpalit ako ni Lenard!”

Sapo ng dalawang kamay ang mukha na napaupo sa sofa si Julie at humagulhol.

Gusto niyang aluhin ang kaibigan pero naunahan na siya ni Lenard. Mabilis pa sa kidlat na nasa tabi na ito ng kasintahan at ikinulong sa bisig nito.

“Sshh, sweetheart. Kahit naman isang libong babae pa ang ireto sa akin ni Steven, hinding-hindi ako makakahanap ng ipapalit sa’yo—Aray!” daing nito ng hampasin ito sa balikat ni Julie.

“E, bakit lalayas ka na?”

“Tulad nga ng sabi ng kapatid mo, bibigyan lang kita ng space at panahon na makapag-isip, pero hindi ibig sabihin noon hindi na kita susuyuin. Babalik rin naman ako agad para suyuin ka uli. Siguro naman mamaya nakapag-isip ka na.”

Natawa siya sa drama ng dalawa. Pareho lang naman ang mga itong hindi matiis ang isa’t isa. Sarap lang pagbuhulin ng dalawa.

“And dami pa kasing arte,” sambit ni Steven saka bumalik sa lanai para balikan ang kape nitong lumamig na.

Napangiti siya. Talagang plano nitong magkaayos ang dalawa kahit pa nagmukha itong kontrabida dahil sa ginawa nito. Kinuha niya ang tasa nito ng kape.

“Papalitan ko na lang itong kape mo.”

He just nodded at ipinagpatuloy ang pagbabasa nito ng dyaryo. Kahit sa simpleng pabor gusto niyang iparating dito ang pasasalamat niya. He’s a good brother in his own way.

Naririnig pa rin niya ang paglalambingan ng dalawa sa sala pagdaan niya. Hay, lovers...

“You mind? Nakakaistorbo na kayo.”

“Kahit kailan talaga kontrabida ka, Kuya. Lenard, itanan mo na kaya ako.”

======================

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon