“Lenard? Pa’no mo nalaman ang number ko?”

 “Actually, Julie just asked me to call you.”

 “Huh? But why?” Bigla siyang nag-alala para sa kaibigan. “Did something happened?”

 “Uh, nothing. I just—.”

 Nawala ang kanyang hawak na cellphone. And it was Steven who took it.

 “What do you need Faye for, Lenard? Matagal nang wala sa kumpanya si Faye kaya hindi mo na siya empleyado. And one more—you what? You brat. Dis oras na ng gabi, bakit magkasama pa kayo? Umuwi ka na—I don’t care! Just go home!”

 Halos madurog ang aparato sa panggigil nito sa kung sino mang kausap nito sa kabilang linya. Iniabot sa kanya ni Steven ang kanyang cellphone.

 “Hi, bes!” It was Julie’s lively voice on the other line. “Hmm, mukhang wrong timing yata ang plan ko. Sungit na naman kasi ng aking monster of a brother.”

 “What plan?”

 She heard Julie chuckled. “Gusto ko lang inisin si Kuya. If I know nagseselos lang siya. Halata naman kanina.”

 Naikwento na niya kay Julie ang tungkol sa maliit ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ni Steven. And her bestfriend just laughed that she even thought her brother was being ridiculous. Pero siya hindi nagawang matawa dahil hindi niya gusto ang sitwasyon nila ni Steven. She doesn’t like the feeling of being ignored especially with Steven. Kaya nga kahit naiinis siya sa inasal at sinabi sa kanya ni Steven siya na mismo ang gumagawa ng paraan na magkaayos sila. Kahit noon pa man siya naman ang unang naglalambing dito tuwing magkakaroon sila ng tampuhan.

 “I think you just made it worse.”

 “Ay naku, akitin mo na kasi. Nagpapalambing lang iyang si Kuya.”

 Napatitig siya kay Steven ng humalukipkip ito, tila ito naiinip na. Saka niya naalalang nakatapis nga lang pala siya ng tuwalya. Her cheek burned. Malaya kasi nitong pinagpi-piyestahan ang naka-expose niyang balat na hindi naitago ng tapis niya.

 “O s’ya, nakakaistorbo na yata ako. Bye, Bes!”

 She turned her phone off. Iniwasan niyang mapasulyap kay Steven nang talikuran niya ito. Kipkip ang damit niya papunta ng banyo para doon magbihis.

 “You ought to forget that little infatuation you feel for Lenard.”

 Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. Heto na naman sila.

 “You know what, Steven, I thought you’re smart! Hindi ka lang pala manhid, may pagka-engot ka rin minsan. For the record, wala akong gusto kay Lenard tulad ng iniisip mo, ok! Ang hirap sa’yo madali para sa’yong magbigay ng kahulugan sa nakikita mo. Pero ‘yong ipinakita, ginawa at ipinararamdam na sa’yo hindi mo pa ma-gets. I haven’t like Lenard like the way I like you, Steven. Because I was so in love with you. Pero hindi mo ‘yon maramdaman. Nakakainis ka na!”    

 Halos hingalin siya sa mga sinabi. Mahina pero binigyan diin niya ang bawat linya. Iniiwasan niyang tumaas ang boses at magising ang kambal. Samantala, natameme naman ang manhid na lalaki at nakatitig lang sa kanya. Serve’s him right. He was known as a monster with his temper, dominant and heartless businessman. At walang sinuman ang mag-aakala na may maglalakas ng loob na magsalita ng ganoon dito. Kahit siya natahimik sa kanyang outburst.

 At sinabihan mo pa siyang engot, anang munting tinig sa isip niya na humalakhak pa.

Pero ang mas ikinatigil niya ay ng mapagtantong may nasabi siyang hindi pa dapat. Duh, you just told Steven you were so in love with him. Sarap lang i-untog ang ulo niya sa pinto ng banyo, o i-lock ang sarili sa loob ng banyo.Well, nasabi na niya at hindi na niya iyon mababawi pa. Hah! Mabuti ng magkaalaman na at baka sakaling matauhan ang gwapong manhid na lalaki.

Then he laughed, and her face burned furious. She just confessed her feeling at tinawanan lang siya ng magaling na lalaki.Sa panggagalaiti naibato niya dito ang mga damit niya. Buwisit! Nahinto sa pagtawa si Steven nang tamaan ito sa mukha... at may sumabit pa. Namula siya.

“Hmm, inviting,” ani Steven nang tanggalin ang sumabit sa ulo nito. It was her panties for crying out loud! Jusko!

Mabilis na lumapit siya dito at hinablot ang panloob niya. Hindi na niya nagawa pang lumayo dito ng hapitin siya ni Steven.

“You did it again.”

Hindi na niya naintidihan ang ibig sabihin ni Steven ng siilin siya ng halik nito. She tried pushing him ayaw pero hindi siya hinayaan nito. He held her closer as his kissed turned more passionate and possesive, na sa huli ay nagpaubaya na rin siya. The next thing she felt, he had carried her to the bed.

Naramdaman niyang tinatanggal ni Steven ang buhol ng tuwalya niya nang mapahinto ito. Sabay pa silang napabaling sa crib ng kambal nang umungol ang mga ito. Napahinga ito na hindi nagising ang sanggol.Napakagat labi siya ng muling tumingin sa kanya si Steven.

They continued where they left of. Ngunit muling may nag-ingay na ikinatigil na naman nila. Steven looked at her with knotted forehead.

 “Sorry...” Pigil ang ngiting sabi ni Faye.

 Dahil bukod sa hindi siya nag-lunch at hindi pa nagdi-dinner ay nag-alboroto ang tiyan niya. Ang ganda lang timing ng gutom niya. Nakakahiya!

“Not funny, Faye,” ani ni Steven. Napailing ito habang umalis sa pagkakakubabaw sa kanya. “Hindi ka pa nga pala nagdi-dinner. Ang hilig mo rin kasing magpalipas ng pagkain. Sarap mo lang paluin, Faye.”

Simula kasi ng magkatampuhan sila ni Steven ay nawalan siya ng ganang kumain.

 “Get dress. Ihahanda ko lang ang dinner, sabay na tayong kumain.”

======================

AFTER an AFFAIRDonde viven las historias. Descúbrelo ahora