Nakalabas na ng silid si Steven ng maramdaman niyang may luhang nakawala sa mata niya. She irritably wiped it off. Masakit para sa kanya na ganoon ang tingin sa kanya ni Steven.   

 “Kung ako sa inyo pag-usapan n’yo ng maayos ang kung anumang munting alitan n’yo. Hindi ganyang nagiiwasan pa kayo at nagmamatigasan kung sino ang tama o mali. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan n’yo, pero huwag mo nang hintayin na mas lumaki pa ang problema. Minsan kailangan may isang magsakripisyong ibaba ang pride para maging maayos uli ang pagsasama ng dalawang tao.”

 “Nakakainis po kasi ‘yang alaga n’yo, Manang Lety, e.”

 “Pagpasensyahan mo na si Steven. May pagka-domenante ang bata iyon. Gusto lagi siyang masusunod at laging tama. Ayaw na ayaw na may sumasalungat sa gusto niya. Nagpapalambing lang ang batang iyon.”    

 Sabay silang natawa sa huling sinabi ni Manang Lety. She had a point.  

 Ok, mukhang siya na naman ang unang kikilos para magkaayos sila kahit ito naman ang nagsimula. Hay, love...

 =====================

 NAPAHINTO SI Faye sa paglabas ng banyo nang madatnan niya si Steven. He stood up after he kissed the twins goodnight and turned towards her. Napakapit sa buhol ng kanyang tuwalya si Faye. She just got out of the shower only wrapped with a towel. Kahit naman nagsama na sila noon at kailan lang ay may nangyari sa kanila ay hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya na makita nitong halos hubad na. At habang nakatitig ito sa kanya tila siya napapaso.

 She cleared her throat, at umiwas sa titig nito. Naglakad siya palapit sa cabinet para kumuha ng damit. She heard footstep behind her. Ang akala niya ay lumabas na ng silid si Steven, but she was wrong. 

 “Hindi ka pa raw kumakain, sabi ni Manang Lety.”

 Nanigas siya sa kinatatayuan ng maramdamang nasa likuran niya si Steven. Tumama sa balikat niya ang hininga nito na nagpatayo sa balahibo niya. Bigla siyang napaharap dito nang tila naman sinisinghot nito ang buhok niya.

Nasalubong niya ang mata nito, clouded with strong emotion—desire. May tampo pa siya dito, dahil halos hindi ito umuwi ng bahay, at hindi man lang nito nagalaw ang mga niluto niya para dito. So she tried to move away from him but Steven did not let her to even take a step. He had stretched his arms to her both sides and trapped her against his body and the closet.

 “S-steven, I n-need to get dress. N-nilalamig na ako.”

 Then his soft lips curved into a smirk. Iglap ay nasa bisig na siya nito, he was kissing her. Ang bilis talaga ng lalaking ito. At mukhang effective ang payo ni Manang Lety sa kanya.

 Simula pa kahapon siya gumagawa ng paraan para magkaayos sila ni Steven. She still cooked for him and she make it more special, with the hope na mapapalambot niyon ang nagmamatigas at nagsusungit nitong puso.   

 But they need to clear things out first. Para hindi na maulit ang nangyari. Hirap lang niyang suyuin ang lalaking ito.

 “Wait, Steven. I think we need to talk first.”

 “That can wait later.”

 “Pero—.”

 Ring! Ring!

 Bigla niya naitulak si Steven ng tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag at baka magising ang kambal sa ingay niyon. Samantalang napabuga ng hangin si Steven saka ginulo ang buhok nito. The man was sure annoyed.

 “Hello,” sagot ng nasa kabilang linya.

 Sinipat niya ang cellphone. Number ang naka-register ng caller. Pero hindi na niya kailangan pang mag-isip kung sino ito.

AFTER an AFFAIRWhere stories live. Discover now