EPILOGUE

15.6K 208 6
                                    

5 years after

(Sarah)

"Babe pakibantayan ang mga anak mo dahil busy ako sa pagluluto dito" narito kasi kami sa bahay namin sa Manila dahil birthday ng triplets namin ni Dash na sina Prince Nickel, Prince Joe, at Princess Kyte. Si Dash ang nag-isip lahat ng pangalan nila kaya hindi na ako tumanggi dahil sa kambal daw niya ay ako ang nasunod. Binatukan ko siya noon at sinabing paano niya mabibigyan ng pangalan ay wala siya. Sumimangot naman siya kaya agad kong hinalikan dahil baka maisip niyang sinisisi ko na naman siya.

"Oo ito na! Pasensya na mga babies dahil makukulit din ang ate at kuya ninyo sa loob!" wika niya kaya naisip kong magbiro

"Ayan kasi ang hilig mo kaya ang dami mong anak!" sa halip na sumagot siya ang humirit naman siya.

"Bakit sino ba ang may lahi ng kambal sa ating dalawa?" ah lumalaban ka ah?

"Kahit na may lahi kaming kambal kung hindi ka mahilig ay hindi ka magkakaroon ng na lima sa dalawang buntisan ko lang!" giit ko kaya natawa siya.

"Kung ako mahilig, ano ka gusto ang pagiging mahilig ko?" dahil nainis ako ay nilayasan ko siya at pumunta sa mag kambal kong panganay.

(Dash)

Nainis siya dahil sa sinabi ko hahahaha. Totoo naman ang sinabi kong mahilig ako dahil gusto niya ang pagiging mahilig ko.

Nang pumasok siya sa loob buti nalang maya-maya ay dumating na si kuya Tom at Dexter.

"Kuya, Dex pakibantayan ang tatlo. Nagtampo kasi si misis. Baka mamaya sa labas ang bagsak ko" wika ko kaya nag-apir nag dalawa.

"Okay na dre! Kami na ang bahala sa triplets. Suyuin mo na si misis baka lamigin ka sa labas!" sabi ni Dexter kaya nilapitan ko siya at binatukan

"Sa halip na suportahan mo ako, niloloko mo pa ako" wika ko kaya natawa uli sila ni kuya Tom.

May sinasabi ulit sila kaya lang hindi ko na sila pinansin bagkus ay pumunta ako sa babe kong busangot ang mukha.

"Babe sorry na!" saad ko ngunit inirapan lang niya ako.

"Please babe!" pagmamakaawa ko pero may sinabi siyang lagi niyang sinasabi no'ng buntis siya.

"Umalis ka dito kasi ang panget mo at ang baho mo!" dahil sa gulat ko ay natanong ko siya

"Babe buntis ka ba?"

Tinakpan naman niya ang mata niya at tumango kaya napasigaw ako.

"Bakit anong nangyari dre?" rinig kong tanong ni Dexter na para bang natakot.

"Buntis ulit si Misis dre!" saad ko kaya binato niya ako ng barbecue stick

"Ang lakas talaga ng kamandag mo dre!" aniya sabay labas.

Ako naman ay mabilis na niyakap ang babe ko. "Thank you so much for giving me perfect family babe kahit na niloko kita minsan"

"Wag mo nang isipin 'yon babe ang mahalaga ay buo tayo at nasa atin ang limang anak natin at syempre ang nasa sinapupunan kong 'di ko alam kong ilan" aniya kaya natawa kaming dalawa.

Hindi man perpekto ang buhay sa mundo ang mahalaga ay natutunan nating magpakatatag sa buhay. May mga desisyon tayong mali sa buhay pero ang mahalaga ay natututo tayong tumayo at itama ang lahat ng maling nagawa natin sa buhay. Tulad ko, isang possessive husband na nagkamali sa pagpili ng desisyon. Ngunit dahil din dito ay naging mas matatag ako at natutong itama ang mga mali ko para sa asawa at mga anak ko.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Where stories live. Discover now