CHAPTER 24

12.2K 163 2
                                    

(Sarah)

"Mommy can we see daddy here in the Philippines?" tanong sa akin ng Khobie kaya naluha ulit ako.

Nang malaman nilang si Dash kasi ang totoo nilang daddy at lagi na silang nagtatanong sa akin. Noong araw ding 'yon ay inamin ko na sa mga anak ko na si Dash ang totoo nilang daddy. Nakita ko kasing todo ang iyak nila.

Hindi ko naman maitatago sa kanila ang totoo habang buhay kaya inamin ko na. Napagdesisyonan ko namang umuwi ng pinas after 3 years dahil gusto kong lumayo muna kay Dash. At alam kong sa Pilipinas ko magagawa 'yon.

"Yes baby! But for the mean time, do not look for him kasi may aayusin siya okay mga babies!" alam kong ang pagsisinungaling ko ay mas lalo lang silang aasa kay Dash pero wala akong magagawa dahil ito lang ang nakikita kong paraan para hindi nila hanapin sa akin si Dash.

"Come on baby! Pasok na tayo!" narito na kasi kami sa Cebu ng mga anak ko upang makapagbakasyon at makapag isip-isip.

"Heyeh! I want to see our new house!" saad naman ni Keshia. Tutuloy kasi kami sa bahay ng lola namin dito sa Cebu.

(Dash)

Dalawang araw matapos ang nangyari ay nagpasya akong balikan ang mga anak ko sa bahay nila dito sa Canada. Ngunit pagkapasok ko palang ng ay isang suntok na kaagad ang natanggap ko kay kuya Tom.

"Anong ginagawa mo ditong tarantado ka ha! Di ba sabi ko sa'yo wag mo nang lapitan ang kapatid ko!" ramdam ko talaga ang galit niya kaya hindi ako lumaban sa suntok niya.

"Please kuya!" pumatak na ang luha ko 'yon palang ang nasasabi ko "gusto ko lang maka-usap ang asawa at anak ko! Patawarin mo ako sa nagawa ko sa kanya. Pinagsisisihan ko ang nagawa ko!" pilit kong inabot ang bewang niya habang nakaluhod ako.

"Wag mo akong tawaging kuya hayop ka!" sinuntok ulit niya ako sa mukha "sinabi ko na sa'yo noon na kapag sinaktan mo ang kapatid ko kalimutan mo na ring magkaibigan tayo!" kung pwede ko lang sana ibalik ang panahon gagawin ko.

"Hindi ko sinasadya kuya! Kung maibabalik ko lang ang panahon hindi ko na gagawin ang ginawa ko" isang sipa sa tiyan ang inabot ko sa kanya matapos kong sabihin 'yon.

"Kuya! Tama na 'yan! alam nating may ginawa siyang masama kay Sarah pero hindi niya deserve lahat nang ginagawa ninyo" kahit naubo ako at sumuka ng dugo ay parang wala lang sa akin 'yon dahil kumpara sa sakit na naibigay ko kay Sarah ay wala ap 'to.

"Kinakampihan mo ba 'yang gagong 'yan Karah?

"Kuya hindi ko siya kinakampihan! Hindi n'yo ba nakikita ang pagsisisi niya! Sana naman buksan ninyo ang isip ninyo na mahal pa rin nila ang isa't isa. Kung ako lang ang masusunod dapat hindi niya to natatanggap mula sa atin kundi hayaan nalang natin siyang patunayan ang sarili niya kina Sarah!"

"Wala akong pakialam sa pagsisisi niya. Paalisin mo 'yan baka mapatay ko 'yan."

Kita kong pumasok na ang kuya ni Sarah matapos niyang sabihin ang pagpapa-alis niya sa akin. Saka naman ako nilapitan ni Kara at tinulungang tumayo.

"Pasensya ka na sa inasal ni kuya ah! Galit lang sila sana maintindihan mo!"

"Thanks Kara! Oo, alam kong deserve ko lahat ng 'to dahil sa pagiging gago ko kaya okay lang sa akin kahit pa patayin nila ako!" kita kong umiling siya sa sinabi ko

"No! Aaminin kong may galit din ako sa'yo sa ginawa mo sa kambal ko. Pero nang makita ko kung paano ka lumuhod sa kanya noong isang araw, alam kong nagsisisi ka sa ginawa mo. Bibigyan kita ng chance na patunayan sa kapatid ko ang sarili mo at sana hindi mon a siya saktan this time" may inabot naman siyang papel "diyan mo siya makikita" saad niya sabay pasok sa bahay nila.

Nang binuklat ko ang papel na ibinigay niya, mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagbook ng ticket pabalik ng Pilipinas.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon