CHAPTER 20

12.1K 186 0
                                    

(Dash)

Tatlong taon na mula nang makita ko ang asawa ko. Napakatagal na rin ng panahon mula ng hanapin ko sila ngunit hanggang ngayon ay wala akong balita sa kanila.

Tatlong taon na rin ng itakwil ako ng mga magulang ko. Kaya ito ako ngayon nag-iisa sa buhay. Tanggap ko ang lahat ng nangyayari sa akin dahil kung hindi ako naging gago ay hindi mangyayari sa akin lahat ng 'to.

Ilang beses akong lumapit sa mga magulang ko na tulungan ako na hanapin ang mag-iina ko ngunit hindi nila ako tinitignan. Mahal na mahal kasi nila si Sarah bilang asawa ko dati.

"Dre, kumusta ang paghahanap mo sa pamilya mo?" tanong sa akin ni Vincent. Ang bago kong kaibigan at kasama ko dito sa trabaho bilang waiter sa bar ni Dexter. Oo, nagmakaawa ako sa kanya noon na ipasok ako sa bar niya dahil alam kong darating ang panahon na masasabi niya sa akin kung nasaan ang mga mag-iina ko.

"Hanggang ngayon wala akong balita dre eh!" malungkot kong wika "pero hindi ako titigil sa paghahanap sa kanila"

"Tama dre! Ipakita mong deserve mo ang second chance para makasama mo sila" tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Pinapasahod ko kayo dito para magtrabaho. Hindi para maging chismoso" sigaw sa amin ni Dexter kaya kumilos kami kaagad. Sa halos dalawang taon kong pamamalagi sa bar niya ay hindi na niya ako tinuring na kaibigan. Lagi siyang galit sa akin. Kung hindi ko lang siya kailangan hindi ko ito gagawin.

Maya-maya ay napansin kong may kausap siya kaya lumapit ako sa kanya.

"Dre Tom kumusta?...Naku masaya ako para sa kapatid mo.....masaya din ako para kay Sarah....Don't worry punta ako diyan next week sa Canada...... oo hehe.... Congrats ulit" hindi ako nakagalaw sa narinig ko.

"Anong ginagawa mo diyan?" bigla akong nagulat sa boses niya.

"Nasa Canada si Sarah?" biglang lumabas lang sa bibig ko.

"Hindi! Wala siya doon!" saad niya pero alam kong tama ang narinig ko.

"Narinig ko dre.....'bigla nalang ako napaluhod sa kanya "Parang awa mo na dre.. please sabihin mo sa akin kung nasaan siya sa Canada.." naramdaman ko naman sa mata niya ang awa dahil lagi ko itong ginagawa para lang sabihin niya sa akin kung nasaan sila.

"Fine! Oo, nasa Canada sila, pero kung ako sa'yo wag ka nang pumunta dahil ikakasal na si Sarah sa kanyang boyfriend" bigla akong napaluha sa sinabi niya. Malakas na suntok ang naipukol ko sa pader. Ngunit wala akong maramdang sakit dahil mas masakit isiping ikakasal na ang babe ko. Tinapik naman ako sa balikat ni Dexter saka nagsalita.

"Sorry dre! Please, pabayaan mo nang maging masaya si Sarah!"

"No dre! Pupuntahan ko sila upang makasigurado akong masaya silang tatlo. 'Pag nakita kong masaya sila, aalis na agad ako." Saad ko

"Bahala ka dre! Pero payong kaibigan lang, wag nalang dahil masasaktan ka lang!"

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Where stories live. Discover now