CHAPTER 4

19.5K 310 4
                                    

(Sarah)

Kahapon pagkagising ko ay nakita kong nagluto si Dash ng makakain ko. At saka nag-iwan pa siya ng note na may pupuntahan lang daw siya saglit. Buti nalang wala akong meeting kahapon kaya okay lang na hindi ako pumasok.

Pagkalabas ko ng condo ko ay nakita kong nag-aantay sa akin ang kumag na 'to. Inabutan pa niya ako ng bulaklak.

"Hindi pa ako patay para abutan mong kumag ka!" sumimangot naman siya sa sinabi ko.

"Hindi naman ibig sabihin na bibigyan kita ng bulaklak ay patay kana! At saka hindi ako papayag na mawala ka agad sa akin ng hindi mo ako binibigyan ng anak!"

"So, kung may naibigay na akong anak sayo. Pwede na akong mamatay ganun?" sa halip na sumimangot siya ang tumawa pa siya ng malakas.

"Bakit? Anong tinatawatawa mo?" para kasing tanga.

"Narinig mo ba sinabi mo babe? Ibig sabihin payag kang maging ina ng mga anak ko!" doon ko lang narealise na tama pala siya. Ang tanga mo Sarah!

"Ewan ko sayo!" dumiretso nalang ako sa paglalakad habang siya ang naririnig kong tumatawa pa rin.

(Dash)

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa inamin din niya sa akin na parang may feeling siya sa akin.

Kaya gagawa ako ng paraan para makuha siya ng hindi niya namamalayan.

Mabilis ko naman siyang hinabol sa kanyang paglalakad baka maunahan pa ako ng Marlon na 'yon.

"Babe wait ako nalang ang maghahatid sayo!" pinigilan ko siya dahil sasakay na sana siya sa sasakyan niya.

"May sarili akong sasakyan Dash kaya pwede ba umalis ka diyan. Pag ako nalate sa aayusin naming kaso ni Marlon tatamaan ka sa akin" Marlon pala ha? Mas lalo kitang hindi papayagang mag-isa.

"Hindi pwede! Dapat kasama mo ako buong araw kahit saang meeting pa kayo pumuntang dalawa!" sigaw ko

(Sarah)

"Hindi pwede! Dapat kasama mo ako buong araw kahit saang meeting pa kayo pumuntang dalawa!" sigaw niya kaya nasapo ko nalang ang ulo ko. Noong tinignan ko ang oras ko ay malapit na akong malate kaya agad akong dumiretso sa sasakyan niya at mabilis na pumasok.

Pagkapasok naman siya ay todo ang ngiti niya. "Very good babe!"

Nang pumasok ako sa opisina ko ay pumasok din ang kumag na 'to. Ibig sabihin tototohanin niya ang sinabi niyang pagbabantay sa akin ng buong araw.

Nang pumasok si Marlon ay nakita ko ang mga ngiti sa kanyang labi pero agad itong napawi nang makita niya si Dash na nasa tabi ng upuan ko.

"Anong ginagawa niya dito?" pabulong niyang tanong sa akin

"Wag mo na lang pansinin!" bulong ko din

"Huwag n'yo ngang ilapit yang mukha n'yo sa isa't isa" rinig naming singhal niya kaya napailing nalang kaming dalawa ni Marlon.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon