CHAPTER 15

12.6K 193 1
                                    

(Sarah)

Matapos kong malaman na buntis ako ay sobrang tuwa ko dahil sa wakas natupad na ang pangarap namin ng babe ko na magka-anak. Dahil din doon lagi akong binabantayan ng kuya Tom ko lalo na si Dexter na kaibigan ng babe ko.

Nang maramdaman kong umiilaw ang phone ko ay agad ko itong kinuha. Nang makita kong si dash ang tumatawag ay natuwa ako.

"Hello babe" masigla kong wika.

"Babe kailangan nating mag-usap mamaya!" sabi lang niya. Alam kong may problema siya, pero mamaya ko nalang siya tatanungin dahil pauwi na siya mamayang tanghali.

Bago magtanghali ay dumating din si Dexter para i-check ako. Para nga siyang gago sa sobrang pagbabantay sa akin.

"Sarah kumain ka na!" wika niya pero umiling ako.

"Sabay na kami ni Dash!"

"Bahala ka! Aalis lang ako saglit kasi may pupuntahan ako" paalam niya kaya tumango lang ako.

Pagkatapos niyang umalis ay tumunog ang condo unit ko. Nakita kong si Dash ang dumating kaya niyakap ko siya nang mahigpit, pero ang nakapagtataka ay hindi siya yumakap sa akin pabalik.

"May problema ba babe?" tanong ko ngunit hindi ko inaasahan ay susunod niyang sasabihin.

"Maghiwalay na tayo babe!" sinampal ko siya ng malakas.

"Anong problema mo ha? Bakit ka makikipaghiwalay sa akin? May kulang ba sa akin?" tanong ko habang hinahampas ko siya sa dibdib niya.

"Oo! Hindi mo ako mabigyan ng anak! May girlfriend ako at magkaka-anak na kami!" isang bagay na gumimbal sa akin "Ito ang annulment papers napirmahan ko na 'yan. pirmahan mo nalang at asikasuhin tutal attorney ka!" dahil sa sinabi niya pinunasan ko ang luha ako. At saka tumingin sa kanya ng diretso.

"Fine! Ito ba?" itinaas ko ang annulment papers na dala niya "kung ito ang gusto mo ibibigay ko!'' matapos kong pirmahan ay hindi ko agad na may sumugod sa kanya.

(Dexter)

Pagkatapos kong lumabas para bilhan si Sarah ng gusto niyang pagkain ay agad akong bumalik sa condo niya. Pero hindi ko inaasahan ang madadatnan ko

"Anong problema mo ha? Bakit ka makikipaghiwalay sa akin? May kulang ba sa akin?" nakita ko ang sakit sa mga mata ni Sarah dahil sa kaibigan kong gago.

Sunod-sunod ang nangyari kaya hindi ko rin inaasahan ang pagdadala ni Dash ng annulment papers, at pinirmahan ito ni Sarah.

At nang hindi ko kaya, sinugod ko na si Dash para bigyan ng malakas na suntok.

"Tarantado ka!" sigaw ko sa kanya "asawa mo ang ginago mo huh'' sabay sugod ulit sa kanya "Alam mo bang" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakita kong nagmamakaawa si Sarah na wag sabihin sa kanya ang pagbubuntis niya.

"Anong alam ko!" ngisi niya sabay punas ng dugo sa labi niya "yang babeng yan na di ako mabigyan ng anak! Masaya nga ako at nakalaya na ako ngayon para naman magkaanak ako!" wika niya ulit kaya ilang beses ko siyang sinuntok.

Ramdam ko namang pinigilan ako ni Sarah kaya tumigil ako.

"Tama na Dexter! Yang mga ganyang tao dapat hindi pinapahalagahan." Saad niya sa akin sabay tingin kay Dash na naiiyak na rin siguro sa ginawa niya "Ito ang tandaan mo Dash! Matapos nang ginawa mo, hinding hindi kana magiging parte ng buhay ko. Kung dumating man ang oras na may malaman ka. Wala ka nang babalikan dahil kahit na mamatay ka pa sa harapan ko wala akong paki-alam" matapos noon ay hinila niya ako palabas ng condo niya. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant