CHAPTER 33

10.9K 136 1
                                    

"Hello Mr. Wilson kumusta?" tanong sa akin ng lalaking dumukot sa asawa at anak ko.

"Tarantado ka! Wag mong idadamay ang asawa at anak ko sa galit mo sa akin" sigaw ko pero nagtawanan lang sila.

"Asawa? Paano mo magiging asawa ang isang 'to eh ikaw mismo ang nagpa- annul ng kasal n'yo di ba?" paano niya alam?

"Sino ka ba talaga ha? At anong kasalanan ko sa'yo?"

"Kasalanan Mr. Wilson? Alam mo bang kasalanan mo kung bakit namatay ang anak namin ni Jasmine!" so siya 'yong lalaking kausap noon ni Jasmine. "Ano natahimik ka? Kilala mo na ako?"

"Bakit mo dinukot ang asawa at anak ko kung kasalanan ko naman pala?"sigaw ko sa kanya dahil nag-aapoy na ako sag alit.

"Yan ang gusto ko Mr. Wilson ang maranasan mo kung paano mawalan ng anak! Paano nalang kaya kung magkasabay kong patayin ang sinasabi mong asawa at anak mo" kahit na natakot ako sa sinabi niya ay hindi pa rin ako nagpatinag.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mo para palayain mo lang ang asawa't anak ko" paki-usap ko kasi natatakot na ako sa posibleng gawin nila sa babe ko at sa anak ko.

"Sampung milyon kapalit ng asawa at anak mo bukas sa lugar na itetext ko mismo sa'yo bukas!" saad niya sabay baba ng telepono niya.

Napahilamos naman ako sa mukha dahil sa sobrang galit at takot sa anumang pwedeng mangyari sa babe ko at sa anak ko.

"Gotcha!" saad ni Dexter "nakuha ko na ang lugar kong nasaan sila. Tara na chief iligtas na natin ang kaibigan at inaanak ko"

Mabilis naman naming pinuntahan ang lugar kung saan naroon ang asawa at anak ko.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Where stories live. Discover now