CHAPTER 2

21.9K 355 1
                                    

(Dash)

Nakakatuwang alalahanin ang ginawa niyang pagyuko noong tinanong ko kung ayaw niya ang kiss ko. Hahahaha. Sabi ko na nga ba eh may gusto sa akin 'yon.

Nagbivrate ang phone ko kaya tinignan ko. Nakita kong ang kuya ni babe ang tumatawag kaya sinagot ko. Syempre para magkapuntos.

"Hello Kuya Tom"

"Dash may date ulit sina Sarah at Marlon ngayon!" umigting ang tenga ko dahil sa sinabi ng kuya niya.

"Saan ang date nila kuya?" bawal yang date sa akin lang siya.

"Sa....." pagkasabi ng address kung saan sila naroon ay agad kong pinaandar ang sasakyan ko papunta kung nasaan sila.

(Sarah)

"Ah sorry Marlon sa hindi ko pagsipot kahapon ah? May inasikaso kasi akong kaso!" ayaw ko kasing sabihin sa kanya ang ginawang kabaliwan ng lalaking 'yon.

"Okay lang Sarah alam ko namang sobra kang busy sa kaso mong hawak ngayon!" buti nalang understanding siya.

"Para makabawi ako sayo ako nalang ang sasagot ng lunch natin ngayon!" bigla namang nawala ng ngiti sa kanyang labi habang nakaupo kami.

"Hindi pwede Sarah. Ako ang lalaki. So, ako dapat ang sumagot."

"Tama ka ikaw ang lalaki kaya dapat ikaw ang sumagot ng kakainin mong mag-isa mo!" boses palang ay kilala ko na kung kanino galing 'yon.

"Tara babe kain na tayo ng lunch!" sabay kaladkad sa akin ng kumag na 'to sa labas.

"Tarantado ka talaga Dash. Naiwan si Marlon doon ng mag-isa. Promise naming sabay kaming manananghalian" hindi ko kasi alam kung sino ang nagsabi sa kanya kung nasaan kami. Pero isa lang ang alam kong nagbabantay sa akin lagi, ang kuya kong katropa nito.

"Pare nakakabastos ka na yata" sumunod pala 'tong Marlon na 'to "kasabay ko si Sarah tapos kakaladkarin mo siya palabas" ay naku war na 'to.

"Sino ba kasing nagsabing pwede mong kasabay ang girlfriend ko!" bumilog ang mata ko sa sinabi ng kumag na 'to. Girlfriend? Kailan pa?

"Tarantado ka pala eh! Ang daya mo lumaban! Alam mong oras ko ngayon! At girlfriend? Kelan pa ha?" kita ko namang kumuyom ang kamao ni Dash kaya sumabat na ako.

"Pasensya kana Marlon ha! Usap nalang tayo 'pag nakausap ko na ang kumag na 'to!" saad ko sabay kaladkad kay Dash papasok sa kotse niya. Pumasok na rin ako.

"Hoy lalaki anong girlfriend ang pinagsasabi mo? Kelan pa?" 'yong nakabusangot na mukha ay napalitan ng nakakalokong ngiti.

"Ngayon at wether you like it or not girlfriend na kita!" sabi niya sabay siil ng halik sa labi ko. "I Love you!" 

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Where stories live. Discover now