Chapter 31 Hit It

20.8K 892 221
                                    

"If I could have just one wish, I would wish to wake up everyday to the sound of your breath on my neck, the warmth of your lips on my cheek, the touch of your fingers on my skin, and the feel of your heart beating with mine... Knowing that I could never find that feeling with anyone other than you."


JC POV



"Hmm..." I moaned sleepily as I shifted in bed.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at liwanag ng sikat ng araw na nagmumula sa bukas na bintana ang bumungad sa akin.

Muli akong nag-iba ng pwesto ng higa paharap sa kanan, kaso wala na akong Lauren na nabungaran. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at pinilit ang sariling bumangon. Naupo ako sa kama habang pinapakiramdaman ko kung nasa loob pa siya ng banyo. Ngunit wala akong marinig kahit na munting kaluskos man lamang.

Ano'ng oras na ba?

Nagbaling ako ng tingin sa orasan sa may lamesita sa tabi ng aming kama. Biglang nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Oh my God!" Bulalas ko sabay hawi ng kumot at mabilis na naglakad patungo sa banyo.

Parang biglang nawala ang sakit ng katawan ko, lalo na sa pagitan ng aking mga hita, ng makita kung gaano katanghali na ako gumising.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Halatang hindi na nag-agahan si Lauren. Nadidismaya tuloy ako sa aking sarili. Obligasyon kong ipagluto ang aking asawa.

Haist, kasalanan din naman niya kung bakit ako tinanghali ng gising. Katwiran ko sa aking isipan.

You asked for it, babe. At para namang nag-echo ang boses ni Lauren sa isipan dahilan para mapangiwi ako.

Nagluto na lang ako ng pananghalian, pupuntahan ko na lang siya sa presinto para baonan. Ipaghahanda ko din sana siya ng merienda kaya lang alam kong hindi na aabot.

Malapit ng mag-eleven ng umaga ng matapos ako at makalabas ng bahay. Nag-antay pa ako ng taxi na masasakyan papuntang presinto.

Naalala ko si mommy Jazmine sa ginagawa kong 'to. Parang 'yong ginagawa lang niyang pagde-deliver ng baon kay mama 'tong ginagawa ko ngayon kay Lauren. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti.

Like mother, like daughter huh?

"Manong, dito na lang ho." Para ko sa mamang tsuper.

Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng presinto nuwebe at umibis na ako palabas ng maibigay ko sa kanya ang pamasahe ko.

"Hi, JC." Bati ng mga kasamahan nina mama't Lauren sa akin.

"Hello po." Magiliw na bati ko rin sa kanila. "Si Lauren ho?" Tanong ko kay mang Pascual, isa sa mga naging malapit na kaibigan na rin ni mama.

"Ah nandiyan sa loob ng opisina nila ng mama mo." Sagot niya sabay turo sa saradong pinto ng opisina nila mama't ng asawa ko.

"Salamat po." Tugon ko bago naglakad na para puntahan si Lauren.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok, pinihit ko ang seradura ng pinto at dahan-dahan itong itinulak pabukas at isinara rin pagkapasok ko sa loob.

"O, detective." Bungad ni Lauren na hindi man lang nag-aangat ng tingin at busy itong nagsusulat sa isang folder. "Akala ko ba mamayang hapon pa kayo babalik?" Doon siya nag-angat ng tingin. "JC?" Takang bigkas niya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Hindi pa ako nakakasagot, nagsalita na naman siya ulit. "Wala ang mama mo," Patuloy niya ng makita ang dala kong paper bag. "May pinuntahan sila kasama si chief." At muli na niyang ipinagpatuloy ang pagsusulat.

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon