Chapter 7 How to Tame the Tigress

15.8K 775 185
                                    

"Loving me has never been easy. I am too intense and my mouth and my mind don't always correlate. A crowded and unquiet mind is not that easy to tame. I nonetheless roam this earth with good intentions."


JC POV


"Ba't ba ang taray taray mo?" Parang nakukulitan na bigkas niya.

"Bakit ba ang hambog mo? Hindi mo ba nakikita dahil sayo minamalas ako?" Ganti ko.

"Hoy, wala akong kinalaman sa nangyare sayo ngayong gabi. Niligtas nga kita di ba?" Sagot niya.

"Fine!" Inis na inis na sabi ko. "Now, we're even."

Maglalakad na lang sana ako patungo sa sasakyan ko ng hinawakan niya ako sa braso. "Asan dun yung thank you?"

"Wala. Duh! Kaya bitawan mo 'ko!" Inis na sagot ko.

"Tsk. Tsk. Tsk." Napapailing-iling na palatak niya. "Bad girl."

Sa sobrang inis ko, sinuntok ko siya sa sikmura. Napayuko at napamura siya sa impact nun. Nabitawan niya ako kaya nakatakbo ako palayo. Akala ko pa naman nakalayo na ako sa kanya pero nahuli din niya ako pagkatapos.

"Bitawan mo 'ko!" Sigaw ko. Hindi ako tumigil sa pagpupumiglas.

"Enough!" Sigaw niya pero patuloy pa din ako.

Hindi ko inaasahan yung sumunod na ginawa niya. Hinalikan niya ako sa labi!

Nanlalaki yung mga mata ko sa sobrang gulat. Parang may kung anong init na dumaloy sa katawan ko pagkadikit na pagkadikit ng labi niya sa mga labi ko. At yung protesta ko, parang yelo na bigla na lang natunaw.

At bago ko pa namalayan, kusa na pala akong tumutugon sa mga halik niya...

Nakakadarang... nakakadala... nakakawala sa sarili. Para bang isang drugs yung halik niya na nakaka-high. I can't explain it.

Kusa niyang pinutol yung halikan namin para sumagap ng hangin. I watched her chest rise and fall, her swollen lips... her eyes... na para bang mas naging intense ang pagka-asul nun.

She cupped my face using both hands and kissed me deep and hard. Ni hindi ko napigilan yung sarili kong umungol sa sobrang init na dulot ng kanyang mga labi. Ilang sandali lang ay naramdaman ko yung pag-angat ng paa ko sa lupa at pinaupo niya ako, well, hindi ko na alam kung saan, basta yung atensyon ko nasa mga halik niyang nakakawala sa sarili. Kalampag lang yung naririnig ko ng bakal na kinauupuan ko.

The next thing I know, I'm already half naked. Wala na yung suot kong dress, at ang natira na lang ay yung undies ko. Hanggang sa unti-unti niya iyong tinanggal. At hindi ko din namalayan na nakahiga na pala ako sa isang malamig na hindi ko mawari, pero natatalo ng init ng nararamdaman ko sa lamig ng kinahihigaan ko ngayon. She hovers above me, completely naked.

May mga ibinubulong siya sa akin, mga katagang hindi ko maintindihan dahil sa nabibingi ako sa sobrang lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Napaigtad pa nga ako ng hinawakan niya ako sa gitna ng aking mga hita.

"W-wait-" Pero muli niyang tinakpan yung bibig ko gamit ang kanyang labi.

Lahat ng natitirang inhibisyon ko ay tinangay na ng hangin. Hinayaan ko siya at nagpadala ako sa init na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Wala na akong iba pang naiisip kundi ang pagbigyan yung nag-uumalsang bulkan sa loob loob ko na para bang any moment from now ay sasabog na.

I let it go... I let it be... until I reached the seventh heaven... my whole body convulsed, I shook uncontrollably as I felt my world shudder in a violent way.

The Taming Game (Montalban - Montefalco Clash)Where stories live. Discover now